DAHIL nagsimula na ang pangangampanya ng mga kandidato sa lokal sa bansa kaya ang Police Regional Office-3 (PRO3) ay lalong pina-igting ang kampanya nito sa gun ban.

Sang-ayon kay Chief Superintendent Arturo Cacdac, PRO3 police director, kanyang inatasan ang lahat ng kanyang provincial at city police chiefs na lalo nilang pag-igtingin ang kampanya sa gun ban dahil nagsimula na ang kampanya ng mga lokal na politiko. 

Click here for Election 2010 updates

Sinabihan ni Cacdac ang pitong provincial at dalawang police directors sa Gitnang Luzon na kanilang monitor ang mga kandidatong lokal sa kanilang area of responsibility.

Sang-ayon pa kay Cacdac ang isang kandidato ay maaaring magkaroon lamang ng isa hanggang dalawang police security at kung mayroon itong “threat” maaari lamang itong kumuha ng karagdagang security nito sa mga security agency.

Ang mga security police ng mga kandidato ay kinakailangan na naka uniporme ito para madaling makilalan ng Pulisya at hindi ito mapag-kamalan na sibilyan.

Inatasan din ni Cacdac ang mga nagsasagawa ng PNP-Comelec checkpoint na hindi lang sa isang lugar na sila magtatayo at dapat palipat-lipat ito para matiyak na hindi makakalusot ang mga crime group na gustong manggulo.

Sa mga pangangampanya naman ng mga kandidato, inatasan nito ang lahat ng provincial at city police chiefs na kung maaari ay i-secure nila ang area kung saan ang mga ito magsasagawa ng motorcade para maging tiyak na walang magyayaring anuman. 

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 127 na iba’t ibang klase ng baril ang nakumpiska ng pulisya mula nang magsimula ang ipinatutupad na Comelec gun ban.

Patuloy hanggang ngayon ang pagsasagawa ng PNP-Comelec checkpoint umaga’t gabi at tuloy-tuloy ito hanggang matapos ang eleksyon, ayon pa kay Cacdac.

Inaasahan grabeng trapik sa motorcade

Noong Marso 26, nagsimula na ang kampanya ng lokal na kandidato at inaasahan na ang grabeng trapik na mararanasan ng mga motorista.

Biernes, nagsimula na nga ang grabeng trapik na naranasan ng mga motorista sa motorcade rally na isanagawa ng mga kandidato sa Pampanga.

Naging maingay na rin ang kalsada dahil sa mga nag-iikot na sasakyan na may “loud speaker” na nakakabit dito.

Sisimulan sana ni Gob. Ed Panlilio ang kanyang motorcade rally noong madaling araw ng Biernes at kanilang rendezvous ay sa Betis.  Nguni’t ito’y hindi natuloy sa kadahilanan na walang gaanong pumuntang “supporters” nito.

Ang ibig sabihin ba nito, wala na talaga ang maraming sumuporta kay Panlilio noong nakaraang eleksyon?   Nagtatanong lang po.

Ang kanyang naman katunggali na si dating senior board member Lilia “Baby” Pineda ay nagsimula naman sa isang “mass" na isinagawa sa St. Agustin Church sa Lubao, Pampanga.

Maraming dumalo sa nasabing misa na kung saan inaasahan na dadalo sana si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Si Presidente ay hindi nakadalo sa nasabing misa dahil ang kanyang kabiyak ay nasa hospital.

Pagkatapos ng misa, isang motorcade rally ang isinagawa nina Pineda at ng kanyang running mate na si Yeng Guaio at nilibot nila ang naturang bayan at sa hapon ay sa nagtungo naman sa Mabalacat.

Noong Sabado ng umaga, ay naku, grabe ang narasan na trapik ng mga motorista sa City of San Fernando dahil sa mahabang motorcade rally ni Mayor Oca.

Maraming nainis na mga drayber sa isinagawang motorcade ni mayor sa ginawa nitong mahabang grabeng trapik sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, MacArthur Highway at sa mga barangay road.

Sabi nga ng mga Fernandino, hindi naman kinakailangan na gumawa ka ng mahabang motorcade rally upang iboto ka ng tao.  Kailangan lamang umano na ipakita nito ang sincere nitong pagserserbisyo sa mga Fernandinos.

Lalong inaasahan ang grabeng trapik sa lalawigan bunsod ng pagsasagawa ng motorcade ng mga kandidato.  Kaya kayong mga drayber magtiis-tiis muna sa mga kandidato na nagsasagawa ng mahabang motorcade upang ipakita lamang sa tao na marami itong taga-suporta.

***

Binabati ng Dateline ang bagong promote na si Senior Superintendent Ervin Gumban na sia ngayong chief ng PRO3 Investigation Division. Si Gumban ay miyembro ng PMA Class '83.