Sangil: GMRC: Balik eskwela

IT'S never too late. It took a little bit longer for the Senate and the House of Representatives to pass a very important measure which carry no controversial provisions. This is the Good Manners and Right Conduct law aka GMRC. Senator Juan Miguel Zubiri made the announcement last week that the consolidated bill was already transmitted to Malacanang for President Duterte’s signature. It was signed with not much ado by our president, which lately I’ve noticed is not using much cuss words when making speeches. Remember when he was given a prepared speech by those ghost writers and just pushed it aside and instead his ramblings most often were spiced with adlibs. Siguradong may kasamang mura palagi.

(Gusto kong ibalik ang aking ini-akda noon ilang taon na ang lumipas at ito yaong unang buwan ng panunungkulan ni Duterte at ito’y tungkol sa GMRC).

****

Marami ang natutuwa sa istilo ng pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tiyak lagi na lang pag nagsalita sa publiko asahan mo tiyak may kalakip na mura, tumataginting na P---na. Pati ang Papa sa Roma at dating Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ay napagdiskitahan. May pumapalakpak, style lang niya daw yun. Mayroon din naman hindi nagugustuhan ang kaniyang pagmumura. Sabi nga noong aking barkada na naalala ko pa daw na noong tayo' nasa elementarya sa taas ng blackboard ng classroom natin, iba't ibang mga panuntunan sa buhay na nakasulat sa inglis. Ang pinaka-karaniwan ay iyong "Honesty is the best policy." "To God be the Glory," etc. etc.

Walang batang mag-aaral ang hindi tinuruan ng, "good manners and right conduct," o GMRC. Pinapanday ang ating mga murang isip sa mga bagay na sukat nating ikilos at isalita, maging sa kaklase, titser, kaibigan, kasamahan sa bahay at maging sa ating magulang at kapatid.

"Kung ano ang gawa ng matatanda ay ginagaya ng mga bata, dahil akala nila ito yung tama," ito ay isang kasabihan na ilan beses na natin narinig. Ang tanong ngayon ng karamihan, ano kaya ang pumapasok sa ulo ng mga ilang mambabatas na magbatuhan ng putik, magbitaw ng hindi kanais-nais na salita sa harap ng sambayanang Pilipino?

Sa ibang banda naman, kahit papaano nakita atin ang tunay na pagkatao nila. Daig pa ang mga walang pinag-aralan sabi ng mga ilang kasamahang mamahayag at ng mga senior citizens na tumatambay sa isang food chain. Hindi po ba na pag may binitiwan kang salita na hindi kanais-nais sa pandinig, ang sasabihin noong nakapakinig, eh, "parang walang pinag-aralan ang mamang yan."

Naikwento ko na ito pero napapanahon na ulitin. Noong ako'y nag-aaral pa sa Maynila, 'pag walang pasok sa eskwela, pasyal ako agad sa kongreso. Ang Congress building noon ay katabi ng City Hall ng Maynila, at ginagamit ngayon bilang isang museo. Ang mga senador na natatandaan noong dekada sisenta ay sila Gil Puyat, Soc Rodrigo, Lorenzo Sumulong, Lorenzo Tanada, Eva Estrada Kalaw, Jose Roy, Jose Diokno, Ambrosio Padilla, Rogelio De La Rosa at Ferdinand Marcos, at ilan pang di ko na matandaan.

Kaibang-kaiba ang kilos at pananalita ng mga sinaunang senador. Nagbabatikusan din pero walang mahalay na salita na masakit sa pandinig ang mamumutawi sa bibig nila. Very subtle, ika nga sa inglis, ang mga patutyada na kailangan ang "reading between the lines."

Sana naman mula ngayon si Pangulong Duterte ay magiging mapino na ang mga salita, yarin din lamang na siya ang nakapirma sa GMRC law.

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph