PAMPANGA

Sapnu: Trapik, trapik kahit saan?

Dateline: Olivas

LUBHANG lalong naging grabe ang daloy ng trapik sa Angeles City at City of San Fernando.

Ito ang inireklamo ng ilang motorista sa Dateline na kung saan nang isinailalim ang sa General Community Quarantine ang Pampanga naging grabe ang daloy ng trapik sa kahabaan ng MacArthur highway sa City of San Fernando at sa bahagi ng Barangay Salapungan at Pulong Bulo sa Angeles City.

Noong Hunyo 22, sang-ayon sa mga motorista simula sa toll exit ng Angeles City umabot sila nang isang oras bago makarating sa Rotonda ng Angeles City.

Usad pagong ang mga behikulo sa kahabaan ng Salapungan at Pulong Bulo kaya naman halos umabot umano sa isang oras ang kanilang pagtawid sa nasabing lansangan.

Ang naging sanhi pa ng grabeng trapik ay ang ilang motorista na walang disiplinang sumasalungat, ayon pa sa mga motorista.

Sa pagitan naman ng Barangay Telabastagan, hanggang lampas ng SM mall doon grabe din ang trapik.

Pagdating sa Barangay Sindalan, hanggang Barangay Del Rosario kapwa sa City of San Fernando, grabe din ang daloy ng trapik.

Maaari ang nagiging dahilan ay ang traffic Lights sa intersection ng Del Rosario dahil sa tagal nitong magpalit ng ilaw.

Dapat maglagay ng traffic enforcer dito upang mangasiwa sa daloy ng trapik at hindi ang traffic lights na matagal na nirereklamo ng mga motorist.

Pagdating naman sa Barangay Quebiawan hanggang sa St. Jude Dolores, mahaba din ang grabeng trapik.

Take note, e kung pinayagan pa ng pamahalaaan na pumasada ang lahat ng mga pampasaherong jeepney, e lalo mas grabeng trapik ang mararanasan ng mga motorista.

Calling mga chief ng traffic enforcer ng Angeles City at City of San Fernando. Ano po masasabi ninyo sa grabeng trapik sa inyong lugar?

Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph