PAMPANGA

Sapnu: Highway Patrol Unit 3 in action

Dateline: Olivas

ISANG linggo nang magsimula ang Enhanced Community Quaratine (ECQ) nagsimula din ang isinasagawang Checkpoint ng mga personnel ng Highway Patrol Unit III (HPU3).

Sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Carlito Narag Jr. ng HPU3, patuloy ang trabaho ng kanyang mga tauhan sa pagsasagawa ng mga checkpoint sa buong Central Luzon.

Halos araw’t gabi ang pagbabantay ng mga tauhan ng HPU3 sa iba’t ibang checkpoint sa rehiyon, ayon kay Narag.

Walang humpay ang isinasagawang Checkpoint ng HPU3, ito’y upang magsagawa ng pag-inspeksyon ng mga cargo truck na nagdadala ng food items sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito’y upang hindi ma-delay ang pagdeliber ng mga cargo truck driver sa destinasyon ng kanilang dalang food item.

Masusing pag-inspeksyon ang ginagawa ng HPU3 sa mga cargo truck para di makalusot ang anumang ilegal na kargado ng mga truck.

Dahil sa Covid-19 virus, ang mga personnel ng HPU3 nakatalaga sa mga checkpoint ay pawang naka protected shield, ayon pa kay Narag.

Kanila din tiniyak ang kanyang mga tauhan sumusunod sa Health Protocol upang di sila mahawa sa virus.

Hindi biro ang ginagampanan na trabaho ng mga personnel ng HPU3 sa panahon ng Pandemic dahil sila’y maaaring mahawa ano man oras.

Sa record ng Philippine National Police, halos umaabot na sa 1,000 pulis ang nagpositibo sa Covid-19 at karamihan sa kanila ay nakatalaga sa mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Narag sa HPU3 naging nasa action ang kanyang mga tauhan.

Mabuhay po kayo!

*****

PANA hall sa PRO3 headquarters nasunog?

Noong Huwebes ng gabi maraming nagulat sa pagkakasunog ng PANA hall (Multi-Purpose hall).

Maging ang Dateline ay hindi makapaniwala na magkakaroon ng sunog sa loob ng Camp Olivas dahil ito’y “well secured” ito.

Halos 35 taon na nagkokober ang Dateline ni walang naganap ng anumang sunog sa loob ng Olivas.

Sang-ayon sa source ng Olivas nagsimula ang nasabing sunog dahil sa faulty wiring.

Subalit hanggang sa sinusulat ito wala pang resulta ibinigay ng mga arson probers.

Hanggang sa kasalukuyan wala pang ibinibigay na halaga ang PRO3 director kung magkano ang naabong kagamitan.

Noong si dating PRO3 director si Retired Brigadier General Arron Aquino kanyang pinaayos ang nasabing hall kaya naman pinalitan nito ang pangalan mula sa Officers Club naging PANA hall.

At pinalitan na ang pangalan ng PANA hall nang iba na ang PRO3 director.

Sa tagal nang nakatayo ang nasabing hall, bakit ngayon lang nasunog ito?

Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph