Sapnu: #Disiplina Muna inilunsad

NOONG nakaraang Lunes, Hulyo 13, inilunsad ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon ang #Disiplina Muna.

Ito ang adbokasya kampanya ng Philippine National Police na kung saan bahagi ng program ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang layunin ng programa ay upang lalo paigtingin ang disiplina sa mga Filipino, ayon kay Brigadier General Rhodel Sermonia, PRO-Central Luzon director.

At ito’y upang lalong himukin ang mga local government units (LGUs) na gawin din nila ang kanilang partisipasyon sa nasabing programa.

Si Ener Cambronero ng DILG-Central Luzon Division chief ay “is good governance at work."

Sang-ayon kay Cambronero ang #Disiplina Muna ay isang campaign for a culture of discipline.

Inihayag nito ang pitong pillar ng DILG, ang una ay ang “road clearing” na kung saan ang mga LGUs ay kanilang trabaho.

Pangalawa ay ang disaster preparedness at resistance, pangatlo ang anti-smoking, pang-apat ay ang ease of doing;

Panglima ay liquor ban, pang-anim ay environmental of tourist spots sa pamamagitan an panatilihin malinis at pangpito pillar ay functional duty ng mga anti-drug abuse councils.

Sa mga nasabing seven pillars, ibinida ni Cambronero si Manila Mayor Isko Moreno. Ito’y dahil sa mga magagandang programa ni Yorme sa lungsod na kanyang nasasakupan.

Isa lamang si Yorme sa mga ibinida ni Cambronero sa mga gumawa ng kabutihan sa kanilang nasasakupan.

Ang lahat ng dumalo sa #Disiplina Muna ay lumagda bilang pledge of commitment.

Kabilang sa mga sumuporta sa nasabing kampanya ay sina Brigadier General Rex dela Rosa, deputy regional director for administration; Cololnel Eric Noble, deputy regional director for operation; Lieutenant Colonel Romell Velasco ng Regional Community Affairs and Development Division; Cambronero; mga Staff Officers at ilang miyembro ng PRO3-RAC kabilang ang Inyong Lingkod at Mr. Erwin Dizon.

Naganap ang nasabing launching of #Disiplina Muna sa conference room ng PRO-Central Luzon.

Ang mga alkalde kaya ng Pampanga ay magagawa ang mga magagandang programa ni Mayor Isko Moreno na ibinida ng DILG sa kanyang ginawang disiplina sa kanyang nasasakupan? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph