Sapnu: Brigadier General Sermonia binanatan ng isang mayor?

NOONG Hulyo 15, anim na police officers ang ni-relieved ni Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director.

Ang kanyang mga ni-relieve sa kani-kanialng puwesto ay sina Lieutenant Colonel Renato Morales; Major Rhoderick Corpuz; Major Estevan dela Cruz; at Major Rodolfo Racho, pawang nakatalaga sa Nueva Ecija; Major Leo Dela Rosa at Major Gregorio Santos, kapwa nakatalaga sa Bulacan Police.

Si Morales ay natalaga sa Bulacan Police samantalang sina Corpuz, Dela Cruz at Racho itinalaga naman sa Tarlac police.

Samantala, si Dela Rosa inilipat naman sa PRO-Central Luzon headquarters at si Santos sa Pampanga Police Office.

Sa ginawang pagbalasa ni Sermonia sa anim na police officers ay nag-react si San Antonio Mayor Arvin Salonga.

Kung ano-ano ang binanat ni mayor kay Sermonia sa biglaang pag-relieve nito sa anim na mga police officer.

Hindi raw makatwiran ang ginawang reshuffle ni Sermonia ayon pa sa pahayag ni Salonga.

Na kung saan ayon sa mayor, wala umano sa proseso ang ginawang pag-relieve ni Sermonia sa nasabing mga police officers.

Hindi umano nalaman nito na iri-relieve ang mga police officers na walang pasabi sa mga local government units.

Dapat lamang kinunsulta muna nito ang mga alkalde sa kanyang gagawin pag-relieve.

Ang sagot naman ni Brigadier General Sermonia sa banat ni mayor ay mayroon daw policy ang Philippine National Police na kung saan kapag umabot sa 10-year stay of duty ang isang non-commissioned police officer ay maari o kinakailangan na itong i-relieve at ilipat ng kanyang assignment.

Kahit na wala itong naging record ay kinakailangan na itong ilipat dahil sa 10-year stay, ayon pa sa pahayag ni Sermonia.

Bakit naman mga taga-Nueva Ecija police lamang ang ni-reshuffle ni Brigadier General Sermonia, tanong ng ibang opisyales.

E, dami naman mga non-commissioned police officer na mayroon ng 10-year stay sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Bataan, Bulacan, Olongapo City at Angeles City, bakit di raw nasama sa reshuffle? Nagtatanong lang po...

Ito ba pinili lang ni Sermonia? Tanong po nila...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph