PAMPANGA

Sapnu: Camp Olivas ni-lockdown

Olivas

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, isinailalim sa lockdown ang Camp Olivas simula noong Sabado ng gabi at ito’y matatapos hanggang sa Martes.

Sang-ayon kay Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, ito’y dahil sa pagkaka-infect ng Covid-19 ng 18 Philippine National Police (PNP) personnel at isang sibilyan sa kampo.

Isinailalim sa swab test ang lahat ng PNP personnel at non-uniformed personnel sa kampo matapos mayroon umano infected na isang police officer.

At nang lumbas ang resulta, 18 PNP personnel at isang non-uniformed personnel ang nagpositibo sa virus.

Kaya naman noong Sabado ng gabi ay isinailalim na sa temporary lockdown ang kampo.

Lahat sila at ang sibilyan ay pawang asymptomatic, ayon pa kay Sermonia.

Isinailalim sa strict quarantine and monitoring ang mga ito at inilagay sa quarantine facility ng PRO-Central Luzon.

Sa kasalukyan, isang contact tracing ang isinasagawa ng PRO-Central Luzon authorities sa mga PNP personnel sa kampo at mga sibilyan maging ang kanilang mga pamilya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang swab testing ng Regional Health Service upang matukoy pa ang maaaring infected pa sa virus.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph