Sapnu: PNP-HPU3, RAC members donate face masks

NITONG nakaraang pagpupulong ng Highway Patrol Unit III (HPU-3) na kung saan ginanap sa Conference Room ng tanggapan, lahat ng mga miyembro ng RAC HPU-3 ay naka face mask at face shield nang dumalo sa nasabing meeting. Maging ang mga Technical Group ng HPU-3 ay pawang naka face mask bilang health protocol.

Ilan sa mga napag-usapan sa pagpupulong ay iyong mga nakatakdang proyekto ng HPU-3 RAC members.

Halos lahat ng mga Highway Patrol Field (HPF) chiefs sa Central Luzon at sina Lieutenant Philip Manuel, chief PCR ng HPU3 at si CMS Inocencio Datoy, PCR chief clerk ay nandoon.

At siyempre hindi mawawala si Lt. Col. Carlito Narag, regional director ng HPU-3.

Ang PNP-HPU3 ang masusing nagsasagawa checkpoints sa iba’t ibang pitong lalawigan at dalawang lungsod sa Central Luzon.

Gabi’t araw silang nasa mga checkpoints upang matiyak na hindi madedelay ang mga delivery trucks naghahatid ng food supplies lalo na iyong mga patungong Metro Manila.

Dahil dito, nang matapos ang pagpupulong, doon ibinigay ng RAC members ang kanilang donasyon sa HPU-3 dahil sila ang mga frontliners nitong pandemic.

Mga 5,000 pirasong face masks, 60 pirasong face shields, 15 gallons ng alcohol at 30 botelya ng alcohol ang ibinigay ng RAC members sa HPU-3 na kung saan personal na tinanggap ni Narag.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Lt. Col. Narag sa mga members ng RAC.

Ang mga opisyales ng mga PNP-HPU-3 ay kinabibilangan nina Pat Cunanan, chairman; Emil Liongson, vice-chairman; Renato Castro, at Ambet de Guzman, mga treasurer; Cho, secretary.

Ang mga members ay sina Albert Mercado, Charlie Mercado, Charlie Torio, Edward Fabro, Tiger Joshua, at ang Dateline.

Ang mga bagong miyembro ay sina Joshua Dacanay at Amory Santos.

Sa mga officers at non-officers ng PNP-HPU-3, mabuhay po kayo dahil di kayo sa iyong patuloy na pagsasagawa ng checkpoints!

Ngayon may pandemic halos lahat ng mga police officers ng HPU-3 di na yata nakakatulog dahil sa kanilang isinasagawang checkpoints. Mabuhay po kayo!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph