DAVAO

Mendoza: Buwan ng Wika sa Panahon ng Pandemya

The Scribe’s Corner

Author’s Note: Dahil ipinagdiriwang ng buong kapuluan ang Buwan ng Wika ngayong buwan, marapatin ninyong isulat ko ang kolum ko ngayong araw na ito sa Wikang Filipino.

PINAGDIRIWANG natin ngayong Agosto ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika bilang pag-alala sa Ama ng Wikang Pambansa na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ikinasa ng Department of Education (DepEd) ang iba’t ibang gawain upang magbigay ng kulay sa nasabing pagdiriwang.

Isang pagkakataon naman ang ipinagkaloob ng Malacanang at ng DepEd sa mga guro at mag-aaral upang mapag-ibayo ang paghahanda para sa taong panuruan 2020-2021 at upang maiwasan ng mga guro at mga mag-aaral ang mahawaan ng sakit lalo na sa mga lugar na hanggang ngayon ay patuloy pa ring dumarami ang ang nagpopositibo sa Covid-19.

Samantala, kasalukuyang inihahanda ng DepEd ang ilang benefit packages para sa mga guro ng pampublikong paaralan ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na nagsabi rin na sakop ng benefit package ang annual medical check-up, insentibo para sa World Teacher’s Day (WTD), hazard pay at Covid-19 benefits at packages at iba pa.

Ayon sa nasabing impormasyon galing kay Usec. Sevilla, target ng kagawaran na makapaglabas ng P400 million na budget para sa taunang annual medical examination para sa mga guro na nagkakahalaga ng tig 500 pesos bawat isa.

Dagdag pa, nasa P900 million ang budget ng DepEd para sa P1,000 incentive para sa WTD Celebration sa October 5 kasabay ng pormal na pagbubukas ng klase.

Samantala mula pa noong mag umpisa ang mga lockdowns at pagtatalaga ng lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) o modified ECQ na naaayon sa probisyon ng Administrative Order 26, ang lahat ng empleyado na pisikal na pumasok sa trabaho sa ilalim ng ECQ o Modified ECQ ay makakatanggap ng 500 pesos na hazard pay kada araw.

Inanunsiyo rin ni Usec. Sevilla na nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Employees Compensation Commission (ECC), PhilHealth at Government Service Insurance System (GSIS) para sa pagbibigay ng suporta sa teaching at non-teaching personnel na nagkasakit ng Covid-19.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph