Sapnu: PNP-chief si Cascolan kahit na...

ITINALAGANG bagong chief PNP si Lieutenant General Camilo Cascolan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan nagretiro nitong Septimebre 2 si PNP Chief General Archie Gamboa.

Si Cascolan at Gamboa ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy PMA Class '86.

Ang pagtalaga bilang Chief PNP o OIC si Cascolan ay sinira o nasira ang "policy" ng Philippine National Police (PNP) na kung saan dapat kapag ang itatalagang bagong Chief PNP ay mayroon pa isang taon bago ito magretiro.

Samantalang si Cascolan ay mayroon na lamang siyang dalawang buwan para sa kanyang "mandatory retirement."

Ok lang si Cascolan dahil siya ang pangalawa sa high-ranking senior police officer na maaaring sumunod sa yapak ni Gamboa.

Nguni't ang problema wala na siyang isang taon sa serbisyo. Kaya lang hindi mo raw ito "questioning" dahil "prerogative" ito ni Presidente Duterte, ayon sa mga police officers.

Kung tutuusin nga raw, ayon sa mga police officers, maging si Gamboa ay wala siyang isang taon nagserbisyo sa PNP kaya nasira din ang "policy."

Naging maayos naman ang trabaho ni Gamboa sa kabila ng "pandemic."

Sang-yon sa source ng Dateline, maaari daw i-extend si Cascolan ng mahigit anim na buwan.

Sa pag-upo ni Gamboa at Cascolan, hindi kaya malinaw na nasira ang ginawang "policy" ng PNP? Nagtatanong lang po...

At malinaw din na magiging "precedent" ito sa mga susunod na itatalagang Chief PNP....di po ba? Nagtatanong lang po...

Sina dating Chief PNP Gen. Dela Rosa at Albayalde ay mistah nina Gamboa at Cascolan... Mayroon kaya kaugnayan ito sa pagkakatalaga kay Cascolan? Nagtatanong lang po....

Ano po ang masasabi ng mga senior police officers sa mga PNP policy na hindi naman ito nasusunod...? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph