Sino kaya maswerteng next PRO3 director?

ANYTIME this month, maaari na mapalitan si Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office (PRO) Central Luzon director.

Ito dahil sa ginagawang “reshuffle” ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan sa hanay ng mga senior police officer.

Ang matunog na posibleng pumalit kay Sermonia ay si Brig. Gen. Rolando Miranda na kung saan siya ang Manila Police District ngayon.

Isa pang narinig ng Dateline, isang certain Brigadier General Acorda na manggagaling sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Nitong nakalipas na ilang linggo, tatlong police senior officers ang pinalitan kabilang na dito si Colonel Randy Arceo, chief ng Regional Logistics and Plans Division, Colonel Eric Noble, deputy regional director for operations, and Brigadier General Rex Dela Rosa, deputy regional director for administration.

Si Sermonia ay itatalaga bilang director ng Directorate Police for Community Relations sa Camp Crame. Kasama niya si Noble bilang deputy chief nito.

Si Arceo ay nabigyan naman ng magandang “break.” Siya ang Olongapo City police city director na kung saan matagal na itong karapat dapat sa nasabing puwesto.

Marami pa rin senior police officers ang maaaring maapektuhan ng “reshuffle” ng PNP.

Sa nababalitaan ng mga provincial police at city police director sa Central Luzon sa nalalapit pagpalit ng liderato sa PRO3, may kanya kanya na silang lakad upang humanap ng padrino para di sila palitan.

“SOP” ang ganitong proseso sa PNP kapag bago ang liderato sa PNP natural lamang na iyong kanilang mga “trusted police officers” ang ilalagay sa mga magagandang puwesto.

Ito ang din ang nakagisnan na ‘SOP ng Dateline kapag bago ang PRO3 director magkakaroon ng major reshuffle sa hanay ng PD at CD.

Sino sino kaya ang maaari masama reshuffle sa bagong magiging PRO3 director? Nagtatanong lang po...

At sino naman kina Miranda at Acorda ang mauupong PRO3 director? Nagtatanong lang po...

Sina Miranda at Acorda ang naibulong ng Intelligence Officer ng Dateline na magiging next PRO3 director...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph