Sapnu: BGen. De Leon bagong PRO-3 director

NITONG nakaraang Miyerkules maraming nagulat sa biglaang pagpalit na liderato sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Hindi akalain ng mga police officers sa Camp Olivas at mga media personalities na magkakaroon ng turnover ceremony kasunod lang pagbisita ni Chief PNP General Camilo Cascolan.

Ang pagkakaalam nila (police officers), si Cascolan ang mangunguna sa inaurugration at groundbreaking ng mga bagong tanggapan at facilities sa PRO-3 headquarters.

Sa pagdating ni chief PNP, kasama na nito si Brig. Gen. Valeriano De Leon na kung saan di naman sinasabi na siya pala ang papalit sa puwesto ni Outgoing Brig. Gen. Rhodel Sermonia.

Halos hapon na ang turn-over ceremony kaya naman nagulat ang mga Police Officers sa biglaang palitan ng liderato.

Matatandaan wala sa listahan ng mga kandidato sa PRO-3 director, kaya naman nagulat ang lahat sa nangyaring turnover.

Ang sabi ng source ng Dateline, ang kandidato sa pagka-RD sa PRO3 ay sina Brig. Gens. Rolando Miranda; Acorda; Pipoy Natividad at si Flynn Dongbo.

Inaasahan na si Natividad ang maswerte next PRO3 director dahil siya ay pamangkin ni SLIG Ano.

Si Natividad ang pinakamalakas sa mga kandidato ngunit ito'y nasilat ni De Leon.

Ano kaya mayroon si De Leon at siya ang maswerteng naupo PRO3 director? Nagtatanong lang po...

Siya ba malakas kay Chief PNP dahil kasama pa nitong dumating noong Miyerkules? Nagtatanong lang po...

Anyway... Congrats po Brig. Gen. Val De Leon!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph