PAMPANGA

Sapnu: Reassignment ng mga pulis, nakakaganda ba?

DATELINE: Olivas

NITONG nakaraang Miyerkules, umaabot sa 400 na mga pulis ang na-reassign sa kani-kanilang bayan o permanenteng residente.

Ayon kay Brigadier General Val De Leon, Police Regional Office (PRO) Central Luzon director, ang nasabing reassignment ay bahagi ng Philippine National Police (PNP) Localization program na kung saan naaayon sa nine-point agenda ni Chief PNP General Camilo Cascolan.

Ayon pa kay De Leon, ang nasabing programa ni Cascolan ay nasasakop ang inter-regional reassignment ng mga PNP personnel sa kani-kanilang bayan.

Sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kani-kanilang mga bayan, sila’y magiging epektibo sa pagpapatupad ng batas.

Ang programa ni Cascolan ay nakasaad sa Section 63 ng Republic Act 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

Nakasaad dito ang mga police officers na may ranggong Patrolman hanggang Police Executive Master Sergeant ay maaaring ma-reassigned sa mga lungsod and bayan na kung saan sila na-recruit o sa kanilang lugar (bayan), lalawigan o rehiyon na malapit sa kanilang residente.

Ang programa ni Chief PNP is “boosting the morale of the PNP personnel," ayon kay De Leon.

Sa pagtatalaga sa kani-kanilang mga bayan, magiging mahusay ang kanilang “performance” at gagawin ang kanilang “best” ang kanilang “work duty.”

Maganda ang programa ni Chief PNP, subalit ang tanong, sila ba ay magiging epektibo sa kanilang mga lugar? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph