Sapnu: De Leon binalaan ang mga PDs, CDs at COPs na sisibakin?

ISANG babala ang ipinahayag ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Police Regional Office-3 (PRO3), sa mga chiefs of police at city police chiefs sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ito'y nang bumisita noon Lunes (October 19) si De Leon sa Nueva Ecija Police Provincial Director na kung saan kanyang inatasan ang 27 chiefs of police at city police chiefs sa lalawigan na lalong pagigihan ang kanilang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot sa kani-kanilang area of responsibility.

Sinabihan din ni De Leon ang lahat ng mga hepe na lalong ipatupad ang mahigpit na kampanya laban sa krimen.

"Kailangan gawin natin ang trabaho natin (PNP) para maging tahimik ang iyong area of responsibility," pahayag pa ni De Leon.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) lalo na ninyong mapag-iigihan ang inyong kampanya laban sa droga, ayon pa kay PRO3 director.

Sinabihan pa ni De Leon ang mga Provincial at City police director maging ang lahat ng hepe sa Nueva Ecija na lumabas sa kani-kanilang mga tanggapan at hindi iyon nandoon lamang at naka-airconditioned pa.

Lumabas kayo sa inyong mga tanggapan at magtrabaho, pahayag pa ni De Leon.

Hindi umano magdadalawang isip si PRO3 director na sibakin ang mga police chiefs sa kanilang puwesto kung hindi maka-perform o walang "accomplishments sa illegal drugs maging sa krimen.

Binalaan din ni De Leon ang lahat ng mga Provincial at City police directors na gampanan ang kanilang trabaho lalo na sa kampanya sa droga kung gusto pa nila manatili sa kani-kanilang mga puwesto.

"Failure to Perform" sibak kaagad -- Brig. Gen. De Leon.

Ang tanong "gagawin kaya ni Brig. Gen. De Leon? Nagtatanong lang po...

***

Bagong staff officers ng PRO3....

Bagong talagang PRO3 Deputy Regional Director for Administration si Brig. Gen. Leo Francisco. Pinalitan niya si Brig. Gen. Rex Dela Rosa.

Si Col. Pedro Soliba ang bagong PRO3 Deputy Regional Director for Operations (DRDO) siya pumalit sa puwesto ni Col. Eric Noble. Dati naka-assigned si Soliba sa Maritime.

Lt. Col. Amado Mendoza ang bagong chief ng PRO3 Regional Logistics and Research Development Division (R4). Si Col. Randy Arceo ang kanyang pinalitan sa puwesto.

Si Lt. Col. Soledad Elefanio ang bagong PRO3 Public Information Office chief. Siya ay naka-assigned dati sa PNP National Headquaters sa Camp Crame.

Samantala si Lt. Col. Andrew Aguirre ang bagong talagang Highway Patrol Unit-3 director. Pinalitan niya si Lt. Col. Carlito Narag.

Sa mga bagong talaga sa PRO3, congrats sirs!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph