PAMPANGA

Sapnu: Pagbisita ni RD sa mga provincial, city police offices tapos na

Dateline: Olivas

ONE week after Brigadier General Valeriano De Leon assumed as Police Regional Office (PRO) Central Luzon director, nagsimula na itong bumisita sa mga provincial at city police offices sa Central Luzon.

Mayroong pitong provincial offices at dalawang city police offices. Ang mga ito ay ang Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, Zambales at Aurora, samantalang dalawang city police offices na kinabibilangan ng Olongapo City at Angeles City.

Sa unang pagbisita ni De Leon ay ang Tarlac Police Provincial Office na kung saan si Colonel Renante Corpuz Cabico, bagong upong provincial director, ang sumalubong sa kanya.

Sinamahan ni Cabico si Brigadier General De Leon kay Governor Susan Yap upang mag-courtesy call.

Pagkatapos sa Tarlac Police Provincial Office, naging sunod-sunod na ang pagbisita sa mga police provincial offices at city police offices na kung saan sinabayan na rin ni Brigadier De Leon ang pag-courtesy call sa mga gobernador ng lalawigan at alkade ng dalawang lungsod.

Dahil malayo ang Aurora Police Provincial Office, nag-overnight si De Leon doon.

Ang huling binisita ni De Leon ay ang Pampanga Police Provincial Office na kung saan ang bagong provincial director na si Colonel Andres Simbajon. Nag-courtesy call din si De Leon kay Gobernador Dennis “Delta” Pineda.

Sa termino ni Brigadier General Rhodel Sermoniam hindi nito ginawa ang pagbisita sa mga provincial at city police offices, maging pag-courtesy call sa mga gobernador at sa dalawang city mayor.

Umabot umano sa dalawang linggo ang ginawang pagbisita ni De Leon sa kanyang mga provincial at city police offices.

Maging iyong mga naunang PRO-Central Luzon director bago si Sermonia ay hindi nila ginawa ang pagbisita sa mga provincial at city police offices. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Kaya naman nagtataka ang Dateline kung bakit ginawa ni De Leon ang pagbisita at pag-courtesy call sa kabila ng pandemic nararanasan ng bansa. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!