Sapnu: Lifestyle check ulit sa mga police officers?

INATASAN ni Chief PNP General Camilo Cascolan noong Biernes ang "lifestyle check" sa mga police officers na sangkot sa graft and corruption.

Ang PNP Internal Affairs Service (IAS) at ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang magsasagawa sa imbestigasyon sa PNP ranks of scalawags.

Isasagawa ulit ang Lifestyle Check sa mga police officers makaraang isinama ng Department of Justice (DOJ) ang PNP sa listahan ng mga ahensya na iimbestigahan ng Mega Task Force for Corruption.

Partikular iimbestigahan ng Mega Task Force ang mga PNP nasa procurement activities dahil malimit mangyari umano ang graft and corruption.

Di naman ipinahayag ng DOJ kung ilan police officers ang kanilang isasama sa imbestigasyon.

Sa administrasyon ni Pangulong Duterte, umaabot sa 4,591 PNP personnel ang dismis sa serbisyo dahil sa kanilang kinasasangkutan sa droga, malversation, graft and corruption.

Sang-ayon kay Chief PNP ang mga police officers na may magagarang pamumuhay na na kung saan kayang tustusin ng kanilang sinasahod.

Hindi lang ngayon termino ni Cascolan ang pag-iimbestiga sa "lifestyle check" sa mga police officers.

Ilan na rin former Chief PNP ang nagsagawa ng Lifestyle Check police officer dahil sobra sobra ang kanilang karangyahan sa buhay na malayo naman sa kanilang tinatanggap na sahod.

Wala naman nangyari sa isinagawang lifestyle check nang mga former Chief PNP dahil wala naman kinasuhan na mga police officers at wala din nadismis sa serbisyo.

Sa termino kaya ni Cascolan mayroon kayang makakasuhan na mga police officers at tuluyan madismis sa serbisyo??? Nagtatanong lang po...

O baka ito'y isang "Ningas Cogon" lamang at isang publicity??? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph