Sapnu: Tignan mo nga ang suwerte Sinas?

SI GENERAL Debold Sinas ang masuwerteng napili ni Pangulong Digong Duterte na bagong chief Philippine National Police (PNP).

Matatandaang sina Lieutenant General Guillermo Eleazar, PNP deputy director for administration; Lieutenant General Cezar Binag, deputy director for operations, at Major General Joselito Vera Cruz, chief of the directorial staff ang inirekomenda ni dating PNP Chief General Camilo Cascolan at ng Department of the Interior and Local Government kay Presidente sa pagpili ng next chief PNP.

Sina Eleazar at Binag ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’87, samantalang si Vera Cruz ay PMA Class ’88.

Ang mandatory retirement nina Eleazar and Binag ay sa 2021, samantalang si Vera Cruz sa 2022.

Kung susundin ang seniority sa PNP, sina Eleazar at Binag ang dapat piliin ni Duterte.

Inaasahan ng mga police officers isa sa tatlong nabanggit na ranking police officers ang maaaring piliin ni Duterte bilang next chief PNP.

Ang talagang dapat sumunod bilang chief PNP ay si Eleazar dahil more qualified ito sa dalawang ranking officers.

Ngunit maraming Raning police officers ang nagulat sa naging desisyon ni Pangulong Duterte, ayon sa mga nakausap ng Dateline.

Bigla na lamang lumusot ang pangalan ni General Debold Sinas at siya ang pinili ni Pangulo. Dahil ba taga Davao siya o mas “trusted” nito? Nagtatanong lang po...

Si Sinas ang dating director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na kung saan maraming bumatikos sa “manyanita” insidente.

Walang ginawang aksyon noon si dating Chief PNP Cascolan sa kabila ng maraming pagbatikos. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Maging si Pangulong Duterte wala din naging “comment” sa Sinas Manyanita. Bakit kaya??? Nagtatanong lang po...

Sabi nga ng ilang police officers sa Dateline, kung sino pa ang maraming nagawang pagkakamali siya pa ang napiling Chief PNP. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Ano kaya mayron si Sinas at siya ang pinili ni Duterte? Nagtatanong lang po...

Sabi nga minsan sa Inyong Lingkod ni dating PRO3 director, Brigadier General Rudy Lacadin, “destiny” ni General Debold Sinas na maging chief PNP.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph