Sapnu: P6.7 milyon shabu nakumpiska

MUKHANG totohanan na ang kampanya ng Police Regional Office III (PRO3) laban sa pinagbabawal na gamot (shabu).

Simula noong Nobiembre 1 hanggang Nobiembre 19, umaabot sa P17.1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng PRO3 sa Central Luzon.

Sa isinagawang buy-bust operation sa Bulacan, dalawang shabu pushers ang napatay at 13 ang naaresto.

Sa unang salbo ng Nobiembre 1, umaabot sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa loob ng Guiguinto Municipal jail. Halos 22 malaking sachets ng shabu ang nakuha mula sa tatlong detainees na sina Julius Francisco, John Reynald at Khalman Llamosa na merong street value na P2 million.

Umaabot naman sa P700,000 halaga ng shabu ang narekober sa drug pusher nakilalang si Ka Erick sa Olongapo City.

Sa dalawang araw na buy-bust operation sa Angeles City, umaabot sa P9 milyon shabu ang nakumpiska sa mga suspek na sina Khalid Monte at Orlando Dayrit.

Sa isinagawang buy-bust operation ng Nueva Ecija, halos P1.8 milyon shabu ng 265 gramo ng shabu ang nakumpiska sa drug suspek na si Larry Torres.

Sa dalawang naarestong drug pushers ng Mabalacat City police, umaabot sa 260 gramo ng shabu na may street value na P1.7 milyon na nakumpiska kina Christopher De Leon at Ernesto Del Rosario.

At nitong Nobiembre 17, mahigit sa P3.2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang drug suspects na sina Kadim Dimatingkal at Abdulhamid Khalid sa isang buy-bust operation sa San Simon, Pampanga.

Mukhang seryoso si Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 director, sa kampanya nito sa illegal drugs dahil halos sunod-sunod ang isinasagawa ng PNP na buy-bust operation.

Hanggang kailan kaya ito masusugpo ang illegal drugs sa Central Luzon? Nagtatanong lang po...

Dahil ang ibig mangyari ni RD De Leon ay maging Drug Free ang Central Luzon. Kaya naman kaya? Nagtatanong lang po...

***

Col. Poklay-R2 at Lt. Col. Clark - COP ng CSF

Si Col. David Poklay ang bagong upong Regional Intelligence Division, at pinalitan niya si Col Fitz Macariola. Naupo si Col. Poklay noong Nobiembre 4 na kung saan dati siya Tarlac Police Provincial Director.

Si Lt. Col. John Clark ang bagong upong Chief of Police ng City of San Fernando. Pinalitan nito si Lt. Col. Gamido. Si Clark ay dating Pampanga Provincial Mobile Company.

Binabati ng Dateline ang pagkakaupo nina Col. Poklay at Lt. Col. Clark. Kayo po dalawa ay most qualified na nasabing puwesto!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph