PAMPANGA

Sapnu: PRO-Central Luzon Regional Advisory Council (RAC) meeting

Dateline: Olivas

NOONG Biernes, nagpulong ang mga miyembro ng PRO3 RAC kasama ang Technical Working Group (TWG).

Si Angeles City Vice Mayor Vicenta Vega-Cabigting ang chairperson ng

RAC at si Brig. Gen. Leo Francisco ang chairman ng TWG.

Umaabot na ngayon sa 13 ang miyembro ng RAC kasunod ng isinagawang Oath Taking ng apat na bagong miyembro na sina Hon. Kaye Ann Legaspi ng KKDAT president/City Councilor of Olongapo City; Engr. Rolando “Rox” Pena, Director International Affairs ng TIPCO; Fr. Nicomemdes Nicdao, VP for Administration ng University of the Assumption; at Bishop Ricardo Quesada, miyembro ng Bless our COPS at ang kapalit ni Dir. Santos ng National Police Commission (NAPOLCOM) na si Dir. Julieta Raneses.

Si Brig. Gen. Francisco ang nangasiwa sa Oath Taking ng mga bagong miyembro ng RAC na kung saan sila’y nanumpa na susuporta sa program ng Philippine National Police (PNP).

Ni-Welcome ni Chairperson Cabigting at ni Brig. Gen. Francisco ang mga bagong RAC members.

Sa nasabing pagpupulong, napag-usapan ang pag-imprenta ng mga bagong Identification (ID) ng mga RAC members

Kasunod noon inilagay sa mga iba’t ibang committee ang mga bagong RAC members na kung saan sila’y “porte” ng mga ito.

Inirekomenda din ni Vice-mayor Kabigting na bigyan din ng Recognition ang apat na mga police officers ng Angeles City police sa hindi pagtanggap ng suhol sa isang Korean national na kanilang hinuli.

Ang mga miyembro ng RAC ay sina Angeles City Vice-Mayor Vicenta Vega-Kabigting bilang chairperson; Civil Service Commission director ng Bulacan Provincial Office, Dir. Dulce Cochon, vice-chairperson; Enrique Sapnu, Media Practitioner, Phil. Star/Sun Star Pamp; Dr. Rowena Mangubat, Representative ngWomen Advocacy; Dr. Reghis Romero II, chairman ng RII Builders Inc.; Reynaldo Malig, Angeles City PLED; Ireneo Alvaro Jr., chief executive officer, BB Internaional Corp.; Erwin Dizon, President St. Peter Calungsod Realty Corp.; at ang apat na new RAC members.

Ang miyembro ng Regioanl Police Strategic Management Unit (RPSMU) ay sina Lt. Col. Cezar Lumiwes, chair; ang mga staff na sina EMS Rhodora Cortes; SMS Anna Celeste Agustin; SMS Edmon Danganan; SMS Jayson Espinosa; SSg. Mae Lynne Apolinario at Cpl. Margerie Ann Salaysay.

TWG members pinamumunuan ni Brig. Gen. Leo Francisco, Deputy Regional Director for Administration; ang lahat ng mga Staff Officers ng PRO3.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph