PAMPANGA

Sapnu: Apat na police officers protector ng droga?

NITONG nakaraang Biyernes (Enero 15, 2021), isa na namang malaking kontrobersiya sa Philippine National Police (PNP) organisasyon.

Ito'y makaraang maaresto ng magkasanib puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Zambales, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Maritime, Police Regional Office-3 (PRO3) Regional Intelligence Division at Law Enforcement Department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang apat na police officers na umano'y protector ng illegal drugs at isang sibilyan.

Kinilala ni Brigadier General Valeriano De Leon, PRO3 director, ang apat na pulis na sina Police Lieutenant Reynato Basa Jr,; Corporal Gino Dela Cruz; Corporal Edesyr Victor Alipio at Corporal Godfrey Duclayan Parentela, pawang miyembro ng Subic Drug Enforcement Unit of Police Station 2, Olongapo City. Ang sibilyan ay kinilala na si Jerico Dabu.

Halos 12.30 a.m. ng Biernes nang inulunsad ang operasyon sa West Kalayan, Subic Bay Metropolitan Authority na kung saan isang "kitchen type" na laboratory ang nadiskubre.

Nahuli kaagad ng mga operatiba ang apat na police officers at ang isang sibilyan sa nasabing laboratory, ayon sa police report.

Narekober sa laboratory ang isang kilo at .300 gramo ng shabu, apat na cellphon, apat na issued firearms Glock 17, caliber .9mm pistol; at isang Honda Civic car (UKM 779).

Umaabot sa tatlong kilo hanggang apat na kilong shabu ang maaaring ma-produce ng nasabing kitchen type laboratory, ayon pa sa report.

Ipinamamahagi ng mg suspek ang nasabing shabu sa Central Luzon at Metro Manila, ayon pa rin sa report.

Kaagad naman ni-relieved ang chief ng Police Station 2 ng Olongapo City dahil sa pagkakadawit ng kanyang mga tauhan.

Sa policy ng PNP, kapag nadawit ang mga PNP personnel na kanyang hurisdiksyon, otomatik na masisibak ang hepe.

Sa Command Responsibility naman, maging ang city director maaari din ma-relieved.

Ang tanong ano kaya magiging aksyon ni Brigadier General De Leon sa nangyari sa SMBA? Nagtatanong lang po...

At sa pagkakadawit ng apat na police officers sa illegal drugs, nasira na naman ang "image" ng PNP...

Dahil sa iilang mga PNP personnel nadadawit sa krimen o illegal drugs ang buong organisasyon ay damay...

Paaano magiging free of illegal drugs ang Central Luzon na kung saan kamakailan ipinihayag ni Brigadier General De Leon na ibig nitong ganap na masugpo kung ang mismo mga otoridad ang dawit dito? Nagtatanong lang po...

***

Calling all Jose Abad Santos High School Class '70.

On Febreury 27, 2021, kita kits tayo sa Rene Medina Hall (formerly PHS Bulwagan Capampangan).

Ang tema ng proyekto JASHS Class 70 Goes on a Mission AYUDA.

Kaya mga classmates see you soon...

Ang mga opisyales ngayon 2020 to 2222 kinabibilangan nina Jay Patio; Joy Pangan; Teresita Ibay; Teresita Gozum Espiritu; Yolly Sengson Soliman; Ely Larano; Rebecca Labung Caballa; Imelda Maniago Umali; Alma Legaspi; Fidel Intal; Aurora Lacson Cabanza; Rene Bundalian; Willy De Leon; Marcia Canlas Belvis; Roman Santos; Raquel Manalese; Ric Sapnu at Elena Tesero (residente).


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!