PAMPANGA

Sapnu: Isang malaking "Challege" kay Gearlan ang CDC

DATELINE: Olivas

KUNG iyong matatandaan noong nakaraang linggo, naupo bilang president at chief executive officer (CEO) si General Mannuel Gearlan ng Corporate Development Corp.

Pero bago naupo si Gearlan naging Board of Director ito. Siya ay naupo noong 2019 bilang Director na kung saan iilan lang ang nakakaaalam, kahit na inyong Lingkod nalaman ko lang noong naupo ito bilang President at CEO ng CDC.

Sa pag-upo ni Gearlan, isang malaking Challenge sa kanya kung papaano nito matatakbuhin at makahimok ng maraming foreign investors sa Clark.

Sabi nga ng iba, ano ang gagawin ng isang police general sa CDC dahil malaki ang pagkakaiba nito sa pamamalakad sa Philippine National Police (PNP).

Halos 37 years si Gearlan sa PNP service, kaya naman maraming nagtatanong kung papaano nito mapapatakbo ng mahusay ang CDC dahil ang alam nito ay PNP organization.

Kaya naman kamakailan ipinahayag nito na kumuha siya ng Business Management Course sa Asian Institute of Management (AIM). Ang layunin niya noon ay makahanap ng maganda-gandang trabaho hindi puro sa PNP na lang.

Sa pag-upo niya ng mahigit isang linggo, ang una nitong proyekto ay Php 1.5 bilyon halaga na proyekto upang makapag-generate ng more jobs sa mga kababayan natin lalo na iyong nawalan ng trabaho sa retrement ng ilang kumpanya.

Ang kanyang vision ay "working hard" sa Asean Pacific upang makapag-generate ng more investments at himukin ang ibang bansa na mag-invest sa Clark, ayon pa kay Gearlan.

Ipinahayag pa ni Gearlan ang plano nitong Mass Trail Transit na aabot ito ng 10 hanggang 15 taon para maging "materialize" ito.

Kanyang binalaan ang mga CDC officers at personnel na "no corruption sa Clark Freeport dahil hindi ito mangingiming tanggalin sa serbisyo kaagad agad. Iyan ang General. Di po ba...

Marami pang plano si Gearlan sa CDC upang mapaganda nito...

Kaya naman ang tanong ng iba. Kaya ni Gearlan patakbuhin ang CDC dahil siya galing PNP?

Ang sabi ko naman, Abangan po natin ang mga malaking plano ni Gearlan sa CDC.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph