Sapnu: Halos 247 wanted persons sa Central Luzon naaresto

TULOY-TULOY ang pinaigting na kampanya ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon laban sa mga wanted persons (WPs) sa Central Luzon.

Batay sa police report, ayon kay Brigadier General Valeriano De Leon, PRO-Central director, umabot na sa 247 wanted persons ang naaaresto ng iba't ibang provincial at city police offices sa rehiyon.

Ang mga naarestong WPs nagsimula lang nitong nakaraang buwan (Enero) hanggang Pebrero 23, ayon pa kay De Leon.

Karamihan sa mga naarestong WPs ay sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. Sumunod ang lalawigan ng Bataan, Zambales, Nueva Ecija at Tarlac, samantalang nahuhuli ang lungsod ng Olongapo at Angeles.

Ayon kay De Leon, ang mga operatiba ay pawang armado ng search warrant sa pag-aresto sa mga nasabing WPs sa Central Luzon.

Ang mga nasabing WPs ay mayroong iba't ibang kaso sa batas, kabilang na ang murder, homicide, rape, illegal drugs at possessions of illegal firearms, at iba pa.

Hindi biro ang manhunt operations na isinagawa ng iba't ibang police offices sa rehiyon na kung saan kanila pa pinaghahanap ang mga WPs na ito, ayon pa kay De Leon.

Sa mga nahuling WPs, kabilang na dito ang Chinese, Korean at Indian nationals.

Kasalukuyang nakaditene ang mga ito (WPs) sa iba't ibang police stations sa Central Luzon, ayon pa kay De Leon.

Sa 247 WPs naaresto ng PRO-Central Luzon sa loob lamang ng dalawang buwan, e, paaano pa iyong ibang nahuli sa manhunt operations nitong nakaraang taon, di pa mapupuno na ang mga Municipal at City jails sa rehiyon? Nagtatanong lang po...

Di ba magkukulang na ang mga kulungan para sa mga naarestong WPs? Nagtatanong lang po...

At hindi rin biro ang pakakain sa mga ito. Malaking gastusin ito? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph