Sapnu: Misencounter ba ang nangyari sa Commonwealth Avenue shootout?

MARAMING nagtatanong kung isang misencounter nga ba ang nangyaring shooting incident sa Commonwealth Avenue, Quezon City sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ngayon ang malaking kontrobersyal sa mga operatiba ng PDEA at PNP sa naganap ng shooting sa Commonwealth na kung saan mayroon umano'y buy-bust operation doon.

Sa shooting incidents, dalawang police officers, isang PDEA agent at isang inpormante ang namatay at mayroon din nasugatan.

Sina PNP Chief General Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva ay kapwa ipinhayag na nagkaroon ng "coordination" sa magkabilang panig.

Batay sa report, 10 PNP officers at pitong PDEA agents ang sangkot umano sa shootout.

Sa isinagawang imbestigasyon, sa naturang buy-bust operation, napag-alaman na ang mga PNP personnel na sangkot, hindi umano nila alam na ang kanilang ka "deal" ay mga PDEA agents.

Sa isang "confrontation," ang PDEA agents naunang nagpaputok kaya walang magawa ang PNP kungdi gumanti umano

Ang dalawang napatay na police officers ay kapwa "decorated officers" at maging iyong napatay na PDEA agents ay isang"decorated man."

Sa pahayag naman ni dating Chief PNP at ngayon Senador Ronald dela Rosa, ang dalawa (PNP at PDEA) ay maaaring pinaglaruan umano ng drug syndicate na mayroon kasabwat ng ilang operatiba.

Kaya naman upang hindi maging bias, inatasan ni Presidente Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation na sila ang magsawa ng malalim na inbestigasyon sa naturang shootout sa Commonwealth Avenue.

Ang nangyaring shootout sa pagitan ng mga operatiba ng PNP at PDEA ay naging kontrobersyal at maraming nagtatanong kung bakit nangyari ang ganito.

Sino ba ang dapat sisihin sa nasabing shootout? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph