Sapnu: Weight loss program ng PNP

KAMAKAILAN ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang pagbabawas ng timbang sa mga PNP personnel na overweight o matataba.

Pangalawa na si Sinas na naging PNP chief nag-utos sa mga PNP personnel na magbawas ng kanilant timbang.

Senador Panfilo Lacson nang naging PNP chief siya ay kanyang programa ay ang bawat PNP personnel ay dapat mayroon lamang 34 inches na waist line.

Sa kanyang kautusan noon, maraming police officers ang nag-leave of absent at mayroon ding namatay dahil lamang sa 34 inches waistline ni Lacson.

Sa termino ni Sinas, kanyang inilunsad ang weight loss program Chubby Anonymous upang matulungan ang mga police officers na mabawasan ng kanilang timbang.

Sang-ayon kay Sinas ang layunin ng kanyang programa ay hindi lang upang maging maganda ang imahe ng PNP at upang matiyak lamang ang kalusugan ng mga ito.

Ang nasabing program ni Sinas kanyang inilunsad makaraang makita nito ang mga police officers na "overweight" na.

Batay sa records ng PNP, umaabot na sa 1,000 PNP personnel sa Metro Manila ang matataba o overweight.

Hindi naman gagawin na sibakin ni Sinas ang mga police officers na overweight sa kanilang puwesto ngunit hindi sila maaari ma-promote kung hindi sila magbabawas ng timbang.

Ayon kay Sinas hangga't siya ang PNP chief hindi maaaring ma-promote next rank ang mga overweight na police officers.

Kanyang pinagmalaki na sa loob ng anim na buwas nabawasan na ito ng 55 pounds. Sa kasalukyan, ang timbang ni Sinas ay 247.

“Hindi ibig sabihin mataba ka ay mahihiya ka. Be proud of youself kung wala ka naman ginagawang masama,” pahayag pa ni Chief PNP.

Nang maupo si Sinas bilang chief PNP nag-diet na ito upang makuha nito ang ideal weight.

Sa nasabing program ni Sinas, lahat ng mga police officers ay isasailim ng exercise drills kada Martes at Huwebes at 3:00 p.m. at 8:00 a.m. tuwing Sabado.

Ang PNP personnel ay nag-ehersisyo sa music ng Voltes 5.

Sa Central Luzon police, marami din mga police officers ang overweight at maaaring hindi sila ma-promote ng next rank kung sila magbabawas ng timbang.

Kung noon, ang isang police officer ay maaaring ma-promote kung ito'y qualified at sa length of service.

Naiiba si Sinas, kung hindi magbabawas ng timbang hindi ka maaaring ma-promote.

Sinu-sino kaya mga police officers sa Central Luzon ang tatamaan sa programa ni Chief PNP? Nagtatanong lang po.

Kaya naman nilang magbawas ng timbang para lang sa kanilang promotion? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph