Sapnu: DPWH-Central Luzon bakit iyong maayos na road ang ‘sinira’?

NITONG nakaraang Linggo, “sinira” o “pinasira” yata ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3 ang ilang bahagi ng MacArthur highway.

Ito'y sa kabila na maayos pa naman ang naturang kalsada at hindi pa kinakailangan na aspaltuhin ito.

Nagsimula ang” pagsira” nila sa maayos na kalsada mula sa may Saint Jude Village sa Barangay Dolores at umabot na ngayon hanggang dito sa Barangay San Agustin,

Lintik ang naging sanhi ng grabeng trapik nang sinira at ginawa ulit ang kalsada sa may Saint Jude na kung saan ilang metro lang ang haba ng kanilang inispalto.

Sa araw na ginagawa ang nasabing road sa may Saint Jude naging grabe ang naging sanhi ng trapik dito lalo kapag "rush hour."

Maraming motorista at commuters ang naasar sa grabeng trapik na ginawa ng DPWH3.

Pahayag pa nga nila, maayos pa naman ang nasabing kalsada at kung bakit ito sinira at inispalto. Para lang ba may ginagawa daw ang DPWH3? Nagtatanong lang po sila...

At nitong Linggo lang ito, nagsimula ang pagsira ng DPWH3 ang kalsada simula sa harapan ng Vista Vall hanggang sa St. Scholastica School.

Ay naku naging grabe ang trapik dito dahil sa haba ng kanilang sinirang kalsada at ang ginagawang pag-ispalto.

Kahapon nga ni isang traffic enforcer ay walang nakatalaga sa harapan ng St. Scholastica na kung saan nandoon ang bottle neck ng trapik. Nasaan kaya sila? Nagtatanong lang po...

Ay mayroon pala nandoon sila sa gitna ng na kung saan hindi na kinakailangan ang pagsasagawa pagmando ng trapik.

Nakikita na nila ang haba ng trapik sanhi ng DPWH3 ni isa sa kanila walang tumayo o nangasiwa sa bottle neck ng trapik.

Kinakailangan ba utusan sila na kanilang boss? Nagtatanong lang po...

Ang malaking katanungan dito bakit iyong maayos na kalsada ang iniispalto ng DPWH3?

Sabi nga ng police officers nakausap ng Dateline, bakit daw hindi gawin ng DPWH3 kalsada simula sa Barangay Tagulod hanggang sa harapan ng Police Regional Office-3 (PRO3) Camp Olivas.

Itong nasabing kalsada ay sirang sira na at dapat na itong aspaltuhin, ayon pa sa mga police officers.

Ang sirang sirang kalsada simula sa Barangay Tagulod hanggang sa Camp Olivas ay matagal na dapat ayusin ng DPWH3. Kung bakit daw iyong maayos na kalsada ang sinira at iniispalto ,tanong nila sa DPWH3.

Kailan kaya daw mapapansin ng DPWH3 ang nasabing sirang sirang kalsada at ano raw ang dahilan kung bakit hindi nila inaayos ito? Nagtatanong ang mga police officers...

Ang sabi nga nila kaya raw inispalto ang kahaban ng MacArthur simula sa Vista Mall hanggang St. Scholastica dahil sa kanilang pinaka-boss? Nagtatanong lang po sila...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph