Sapnu: Gen. Gaerlan busy sa CDC

HALOS wala na yatang day off itong si Police General Manuel Gaerlan pagkatapos itong itinalaga bilang president at chief executive officer (CEO) ng Clark Development Corporation (CDC).

Ito ang napag-alaman ng Dateline na kung saan pagkatapos nitong nanumpa bilang CDC president at CEO, agad itong umaksyon, ipinahayag kaagad ang kanyang mga plano para sa lalong pag-unlad ng Clark.

Matatandaan na noong Enero 11 nitong taon, itinalaga ni Pangulong Duterte si Gaerlan bilang CDC president at CEO na naging miyembro muna ng Board of Directors simula March 15, 2019 hanggang ito'y namuno sa CDC.

Sa loob lamang ng dalawang araw pagkatapos niyang manumpa, kanyang ng mga namamahala sa bawat departamento at dibisyon sa loob ng CDC para ipahayag ang kanyang mga plano sa Clark.

Sa kanyang ginawang pagpupulong, hinikayat niya ang bawat isa sa CDC, makipag-kompetensya ang Clark sa ibang bansa kagaya ang Indonesia, Vietnam at China.

Sang-ayon kay Gaerlan, ang kanyang mga plano ay palawigin ang mga businesses at investments sa loob ng Clark Freeport.

Matutupad lahat nito, ayon kay CDC pres, ay sa pamamagitan ng panibagong diskarte tulad ng paggamit ng mas modernong teknolohiya sa lahat ng mga sistema ng CDC.

Napag-alaman bukod siya naging class valedictorian at summa cum laude sa Philippine Military Academy (PMA), nakapag-aral din ito ng Master of Management sa Asian Institute of Management (AIM).

Dahil dito, hindi na nakapagtataka na si Gaerlan ang pinili at pinagtiwalaan upang pamunuan ang CDC dahil kanyang abilidad at kaalaman sa pamamalakad.

Matagal na ring kilala ng Dateline si Gaerlan nang ito'y naging Group Commander ng Regional Mobile Group (RMG) noon, naging police provincial director ng Bataan at ng Pampanga police.

Madalas din makausap ng inyong lingkod si Gaerlan nang ito'y naging PRO-Central Luzon Deputy Regional Director for Operations.

Kaya naman bilang CDC president at CEO, halos hindi na nakakauwi sa kanila si Gaerlan dahil "busy busy" na sa kanyang trabaho upang maghikayat ng mga investors at lalong mapaunlad ang Clark.

Simula nang umupo si Gaerlan sa CDC, tatlong beses pa lamang yata ito nakauwi sa kanila dahil sa ginagawa nitong pagpupulong sa mga Investors.

Gen. Gaerlan, walang duda na kayang kaya mo lalong mapaunlad ang CDC...

***

Binabati ng Dateline ang bagong promoted na si Lieutenant Ubaldo Tolentino. Siya ang chief clerk ng Regional Community Affairs Development Division.

Nakilala ko si Tolentino noong pang termino ni dating PRO-Central Luzon director, chief superintendent pa noon ang tawag sa mga ranggo na si Roberto "Bobby" Calinisan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph