Sapnu: PRO-Central Luzon patuloy sa kampanya sa illegal gambling

MUKHANG hindi nagbibiro si Brigadier General Valeriano De Leon, Police Regional Office (PRO) Central Luzon director, sa kanyang kampanya kontra illegal gambling.

Simula yata nang maupo si De Leon bilang director ng PRO-Central Luzon, wala ng humpay ang ginagawang pag-aresto ng iba't ibang Provincial at City police offices sa mga sangkot sa illegal gambling sa Central Luzon.

Pag-upo niya, kanyang inatasan lahat ng mga Provincial at City police directors ang malawakang kampanya sa illegal gambling.

Tumugon ang lahat ng mga Provincial at City directors sa kautusan ni De Leon, kaya hindi na mabilang ang mga naaresto sa illegal gambling.

Ayon kay BG De Leon, ang mahigpit na kampanya sa illegal gambling ay isa sa direktiba ni Chief PNP General Debold Sinas sa lahat ng Police Regional Offices sa bansa.

Noong Miyerkules (March 17), umaabot sa 66 katao ang naaresto sa illegal gambling sa rehiyon, ayon kay Lieutenant Colonel Soledad Elefano, chief ng Regional Public Information ng PRO-Central Luzon.

Karamihan sa mga nahuhuli sa illegal gambling ay iyong operasyon ng "bularit," tong its, kara krus, bingo, sakla, monte at iba pang larong lupa.

Ang mga malalaking illegal gambling operations ay hindi naman hinuhuli ng PNP kagaya ng On-Line Sabong na malakihan ang pustahan. Mahirap bang ipahinto ito dahil semi-legal daw? Nagtatanong lang po...

Iyong nabanggit lang ba na operasyon kagaya ng "larong lupa" ang kayang lang sugpuin ng PRO-Central Luzon? Nagtatanong lang po...

Ayon sa pinagkakatiwalaan source ng Dateline, sa patuloy na kampanya ng PRO-Central Luzon sa illegal gambling, mayroon umano nangongolekta dito.

Isang alyas "A" at "J" ang umano'y kolektor sa illegal gambling at isang alyas "G" ang kolektor umano sa patulo... Ang mga ito umano ang ginagamit ng isang opisyales ng PRO-Central Luzon...

Ang tanong po dito, ang mga nasabing kolektor ba ay ginagamit ang nasabing opisyales para makakolekta sa mga illegal gambling? Nagtatanong lang po...

Kung makatotohanan ang kampanya ng PRO-Central Luzon sa illegal gambling, bakit mayroon umano kolektor na naglilibot sa rehiyon? Nagtatanong lang po...

Maganda ang kampanya ng PRO-Central Luzon laban sa illegal gambling, paano naman kung mayroon umano nangongolekta? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph