Sapnu: Bakit iyong mga sirang kalsada ang gawin?

HANGGANG ngayon, isang palaisipan sa mga kababayan natin kung bakit iyon maaayos na kalsada ang ginagawa ng Department of Public Works and Highways Region 3.

Hindi lang ang Dateline ang nakapuna sa sinirang kalsada ng DPWH3 maging ang ilang kababayan natin lalo na mga motorista dumadaan sa kahabaan ng MacArthur highway sa Barangay Dolores hanggang sa Barangay Quebiawan.

Nagulat ang mga ito kung bakit maaayos pa naman ang nasabing kalsada ay sinira pa ng DPWH3.

Sang-ayon sa mga motorista naging dahilan pa naman ang grabeng trapik na idinulot ng pag-sira ng kalsada at paggawa ulit nito ng DPWH3.

Ni wala daw anunsyo ginawang impormasyon ang DPWH3 kung sisirain at gagawin ulit ang nasabing maayos na kalsada.

Kaya ang nangyari tuloy grabeng trapik ang naranasan nang inaayos ulit ng DPWH3 ang kalsada. Lalong naapektuhan ang mga pampaserong jeep.

Ang malaking katanungan nila, ay kung bakit iyong mga sirang sirang mga kalsada ang gawin ng DPWH3.

Ang ehemplo nito, iyong kalsada patungong Police Regional Office-3 (PRO3) sa Camp Olivas, ilang taon na itong sirang sira na ni hindi binigyan pansin ng DPWH3.

Halos lahat ng mga PRO3 personnel na pumapasok dito ay pinupuna din ang nasabing kalsada mula sa Barangay Tagulod hanggang sa harapa ng Camp Olivas ay lubhang sirang sira na at walang ginawa ang DPWH3.

Kung bakit daw iyong maaayos na kalsada ang kanilang inispalto ulit e di pa naman sira ito? Nagtatanong lang po sila...

Ang ginagawa ng DPWH3 ay tapal sa mga butas na nakikita nila sa nasabing kalsada at hindi naman ito nagtatagal dahil nasisira din.

Sabi nga ng mga PRO3 personnel halos nasisira ang boltjoints ng kanilang behikulo sa kadadaan sa nasabing sirang sirang kalsada na ni minsan di binigyan pansin ng DPWH3.

Kung walang pondo nakalaan sa nasabing sirang kalsada, bakit hindi kaya mag "request" ang DPWH3? Nagtatanong lang po...

Sa tagal ng nasabing sirang kalsada, bakit daw walang ginawa ang DPWH3? Nagtatanong lang po sila...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph