SECTIONS
Pampanga
Friday, June 25, 2021
PAMPANGA

Lacson: Early registration, inilunsad na ng mga paaralan sa Gitnang Luzon

Providentia

INILUNSAD na nga mga pampublikong paaralan sa buong rehiyon ang Early Registration para sa panuruang taon 2021-2022. Sa ilalim ng DepEd Memorandum No 8 s 2021, ang nasabing aktibidad ay magaganap mula ika dalawamput anim ng Marso hanggang ika tatlumpu ng Abril.

Ang isang buwang aktibidad na ito ay isinasagawa upang masiguro na ang lahat ng paparating na mag-aaral ay nakarehistro sa taong panuruan at para maging handa ang Kagawaran sa mga posibleng isyu at problema na maaaring umusbong tungkol dito, ito ay nakabatay rin sa DepEd Order No. 3, s. 2018, o ang Basic Education Enrollment policy.

Hinihikayat ang mga magulang ng mga incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 na ipalista ang kanilang mga anak sa paaralang kanilang nais pasukan sa susunod na school year. Ang mga nasa Baitang 2-6, 8-10, at 12 ay ikinokonsidera nang pre-registered at hindi na kailangan pang sumali sa early registration. Ipinag-uutos ang early registration sa lahat ng pampublikong paaralan habang opsiyonal lamang ito sa mga pribadong paaralan, subalit, mandato rin ng mga pribadong paaralan na ipatupad ang kautusan na Kindergarten cut-off age sa ilalim ng DO No. 20, s. 2018.

Samantala, pinaalalahanan naman ng DepEd ang lahat ng paaralan at ang publiko na sumunod sa mga precautionary measures laban sa COVID-19 sa magaganap ng early registration. Maaarinito isagawa sa pamamagitan ng remote o online registration o kaya naman ay physical enrollment katuwang ang lokal na pamahaalaan at sa tulong ng physical enrollment platforms na itinakda ng mga paaralan. Inilunsad ang Early Registration upang makatulong sa Kagawaran na makita ang inaasahang bilang ng magpapatala sa darating na taong panuruan at itinatalaga rin ayon sa DepEd Order No. 3, s. 2018, o ang Basic Education Enrollment Policy.

Bukod sa mga paparating na mag-aaral sa Kinder at Baitang 1, 7, at 11, hangad din nito na mahanap, makilala, at irehistro ang mga out-of-school-youth at mga bata na may kapansanan; nakatira sa off-grid community; namamalagi sa mga barangay na walang paaralan; nakatira sa geographically isolated area; na-displace dahil sa mga sakuna; nakatira sa mga armed conflict area; namamalagi sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng kriminalidad/pag-abuso sa droga; mayroong chronic illness; mayroong nutritional problems; biktima ng pang-aabuso at economic exploitation; stateless/undocumented; in conflict with the law; naninirahan sa lansangan; at mga kabataang wala na sa paaralan subalit nais bumalik sa pag-aaral.

Ang kampanya para sa early registration ay sumisiguro sa karapatan ng lahat ng school-aged na mag-aaral na magpatala at mabigyan ng dekalidad, naaabot, nararapat, at mapagpalayang basic education.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!