SECTIONS
Pampanga
Friday, September 17, 2021
PAMPANGA

Sapnu: P700,000 shabu nakumpiska sa loob ng 7 araw

Dateline: Olivas

HINDI na biro ang mga nakukumpiskang halaga ng methamphine hydrocloride or shabu sa Central Luzon.

Sa loob lamang ng isang linggo, umaabot na sa P700,000 ang nakumpiska ng mga otoridad sa kanilang buy-bust operations sa rehiyon.

Noong Abril 2, umaabot sa P112,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Angeles City, Olongapo City at Zamblaes police sa tatlong drug pushers sa kanilang buy-bust operation.

Umaabot naman sa P84,000 halaga ng shabu ang isang drug suspek sa Zambales at noong Abril 4, umaabot sa P200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang drug peddlers sa Cabanatuan City.

Sa Tarlac dalawang drug suspects ang naaaresto ng mga otoridad at mahigit P200,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila noong Abril 6.

At nitong Abril 7, umaabot sa P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa 17 drug personalities sa Angeles City, Olongapo City, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija.

Sabi nga ng nakausap ng Dateline, hindi na raw biro ang halaga ng shabu ang nakukumpiska ng PNP sa kanilang buy-bust operations sa Central Luzon.

Itong halagang P700,000 ng shabu nakumpiska ng PNP sa loob ng isang linggo ay parang kabute na raw umusbong sa rehiyon.

Sa kabila ng ginagawang mahigpit ng kampanya ng Police Regional Office-3 (PRO3) sa pinagbabawal na gamot, patuloy pa rin ang paglaganap ng illegal drugs sa Central Luzon.

Papaano kaya magagawa ni Brigadier General Valeriano De Leon, PRO3 director na maging "free sa illegal drugs" ang kanyang nasasakupang area of responsibility? Kaya naman ni Bgen ang ipinahayag niya noon na magiging free of illegal drugs ang Central Luzon.

E maging ang illegal gambling sa rehiyon ay patuloy pa rin namamayagpag sa kabila ng kanyang kampanya at hindi pa rin nahihinto? Bakit kaya? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph