PAMPANGA

Sapnu: HPU3 in 'action'

Dateline: Olivas

SIMULA nang maupo si Lieutenant Colone; Andrew Aguirre bilang Regional Officer ng Highway Patrol Unit (HPU3) naging ma-action na ang kanilang tanggapan.

Dahil sa pandemic, ang mga tauhan ni Aguirre ay nakatalaga sa mga iba't ibang checkpoint sa Central Luzon upang tumulong sa mga local police stations sa mga bayan bayan.

Ang kanilang mission ay sitahin ang mga cargo trucks na dumadaan sa pangunahing kalsangan upang matiyak nila walang makakalusot na hindi essential ang kargamento nila.

Maging ang mga pampasaherong bus o jeepney ay kanilang inispeksyon kung mayroon karampatan papales ang mga pasahero at kung sumusunod sa health protocol.

Kapag ang ibang pasahero ay walang face mask o face shield, kanilang pinababa at bibigyan ng karampatan na parusa.

Bukod dito, patuloy pa rin sa pamimigay ng flyers ang HPU3 para sa anti-carnapping tips sa mga motorista na dumadaan sa mga checkpoints.

Ayon kay Aquirre, karamihan sa mga sinisita ng kanyang mga tauhan ay iyong mga motorcycle riders na halos pawang walang kaukulan papeles ang kanilang mga motor.

Patuloy pa rin ang HPU3 na magsagawa ng quarantine checkpoint at pagberipika sa quarantine pass/travel pass sa mga motorista.

Nang nagkaroon ng Covid-19, halos araw't gabi nasa kalsada ang mga tauhan ng HPU3 upang ipatupad ang health protocol sa mga motorista.

Wala na yata tulog ang mga ito sa kanilang mission para matiyak lamang na sa inspeksyon at pagpapatupad ng health protocol sa mga dumadaan na mga motorista.

MABUHAY kayo HPU3 lalo na sa inyong Regional Officer na si Colonel Andrew Aguirre.

DPWH3 ginagawa pa rin ang maayos na kalsada

Nitong nakaraang araw ginawa na naman ng DPWH3 (Department of Public Works and Highways-Central Luzon) ang maaayos na kalsada simula sa Barangay San Agustin hanggang sa harapan ng Vista Mall.

Nagkaroon ulit ng minor traffic sa nasabing lugar na kinais ng ilang motorista.

Ang pinagtatakahan nila, kung bakit iyong maayos na kalsada ang kanilang inispalto? Nagtatanong lang po sila...

Kung tutuusin, iyong sa harap ng Jose B. Lingad Memorial Hospital na grabe sirang sira ang kalsada ay hindi nila binibigyan ng kaukulan pansin? Bakit kaya?

Sabi nga ng ilang nakausap ng Dateline, kung alin kalsada ang maayos, iyon ang kanilang ginagawa dahil ba konti lang ang kanilang gagawin? Nagtatanong lang po sila...

Dahil ba iyon kalsada sa may Vista Mall ay malakas ang may-ari nito sa DPWH3? Nagtatanong lang po sila...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph