Sapnu: Apat na miyembro ng Basag-Kotse Gang nasakote?

NOONG nakaraang buwan (Marso) umatake sa lalawigan ng Tarlac ang tinaguriang Basag-Kotse Gang.

Sa unang linggo ng Marso, isang negosyante ang naging biktima ng nasabing gang.

Ipinarada lamang ng biktima ang kanyang behikulo sa harap ng Fortune Hongkong Restaurant sa kahabaan ng Mac Arthur higway, Tarlac City. Ang sumunod naging biktima, isang kustomer ng Samyeupsal Restaurant malapit sa Lucinda Campus, Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Ang isang jogger ay ipinarada lamang nito ang kanyang behikulo at nang balikan nito ay basag na ang kaliwang bintana nito na kung saan nalimas lahat ang kanyang personal belongings, iyong ang pangatlong naging biktima ng Basag-Kotse Gang.

At nitong nakaraang linggo, inireport ng Police Regional Office (PRO) sa Central Luzon, na apat na miyembro ng Basag-Kotse gang ang naaresto ng Bulacan police.

Ang masaklap sa apat naarestong miyembro ay kabilang ang isang Corporal na nakatalaga sa Manila Police District at tatlong kasamahan nito na sina Juvito Salvador, Allen Alvarado and John Fizer Salvador, pawang residente ng Tondo, Manila.

Dahil sa agarang ng pagrereport ng biktima na si Melquiades Silencio sa mga otoridad, naaresto ng Bulacan police ang mga suspek.

Sang-ayon sa report, ang naarestong mga suspek ay pawang miyembro ng Liber Paulino group, isang Basag-Kotse gang na nag-ooperate sa National Capital Region, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

***

Binabati ng Dateline ang City of San Fernando Police (CSFPS) sa pamumuno ni Lieutenant Colonel John Clark bilang "Top Performing City police station" ng Central Luzon.

Simula noong Enero hanggang Marso namentine ng CSFPS amg kanyang posisyon bilang Central Luzon's top performing station.

Ang CSFPS naging number one sa lahat ng city police stations sa rehiyon matapos sa isinagawang Unit Performance Evaluation Rating ng PRO-Central Luzon.

Lieutenant Colonel John Clark keep up the good work and Congrats to all Philippine National Police personnel ng CSFPS.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph