Sapnu: Two-story quarantine facility

DAHIL sa pagdami ng bilang na mga pulis positibo sa Covid-19, isang two-story quarantine facility ang itinayo sa Police Regional Office (PRO) Central Luzon headquarters.

Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga police personnel sa Central Luzon, isa na namang quarantine facility ang itinayo sa loob ng PRO-Central Luzon headquarters.

Sa loob ng kampo, noong nakaraang ilang buwan, may iilan lamang mga Philippine National Police (PNP) personnel ang nagpopositibo sa Covid-19 virus.

Noong una, kung minsan isa o dalawang PNP personnel sa isang tanggapan sa PRO-Central Luzon ang kinakapitan ng virus.

Ngunit nitong nakaraang buwan at nitong buwan, lumobo ang bilang ng mga PNP personnel at ilan sa mga non-uniformed personnel (NUP) ang nagpositibo sa Covid-19 virus.

Napag-alaman ng Dateline na umabot na umano sa 166 ang bilang ng mga PNP personnel sa Kampo ang nagpositibo.

Karamihan ng mga ito, nagquarantine sa unang naitayong quarantine facility sa loob ng kampo at iyong iba naman ay kanilang mga bahay nagquarantine.

Kaya naman buhat ng dumami ang bilang ng mga PNP personnel ang nagpositibo sa PRO-Central Luzon headquarters, pinagbawal muna ni Brigadier General Valeriano De Leon, PRO-Central Luzon director, ang pagpasok ng mga sibilyan sa loob ng kampo.

Pawang mga PNP personnel at NUP lang ang maaaring pumasok sa kampo. Maging ang mga miyembro ng media ay pinagbawal ni De Leon.

At nitong nakaraang Biernes, isang two-story quarantine facility ang pinasinayan ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang nasabing facility ay mayroon 32 isolation bedrooms at may sariling comfort room.

May nakatalagang dalawang doktor at dalawang nurses ang pasilidad.

Ang halaga ng nasabing two-story quarantine facility ay umabot sa P25,435,426,58 at ito'y pinondohan ng DPWH.

Sira-sirang kalsada papuntang PRO-Central Luzon headquarters di man lang binigyan ng pansin ng DPWH?

Dumating na rin si Secretary Mark Villar ng DPWH sa PRO-Central Luzon headquarters, hindi pa rin binigyan ng importansya ng direktor ng DPWH-Central Luzon.

Sana nasabi din ni DPWH-Central Luzon director ang sira-sirang kalsada simula sa Barangay Tagulod hanggang sa harap ng PRO-Central Luzon headquarters.

Pagkakataon na sana ni DPWH-Central Luzon iyon para masabi nito kay Villar ang nasabing sira-sirang kalsada upang mabigyan nito ng pondo. Bakit kaya di pa rin pinansin? Nagtatanong lang po...

Halos apat na taon na nirereklamo ng mga PNP personnel na pumapasok sa PRO-Central Luzon ang nasabing sirang sirang kalsada.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph