Sapnu: Sino ang masuwerteng next Chief PNP

NITONG Mayo 8, nakatakdang magretiro na sa serbisyo si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas.

Inaasahan nitong Lunes ay malalaman na kung sino ang magiging next Chief PNP kung hindi ie-extend ni Presidente Digong Duterte si Sinas. Sana huwag na...

Ang nakalinya o kanditato para next Chief PNP ay sina Lieutenant General Guillermo Eleazar, deputy chief for administration; Lieutenant General Joselito Vera Cruz, deputy chief for operations; Lieutenant General Epraim Dickson, chief for directorial staff, na kung saan bagong talaga siya sa nasabing puwesto; at iyong Davao Boy na si Major General Vicente Danao, National Capital Regional Office (NCRO) director.

Sina Eleazar, Vera Cruz at Dickson ay pawang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '87. Samantalang si Danao ay miyembro ng PMA Class '92.

Halos anim na buwan na lamang sa serbisyo si Eleazar at sina Vera Cruz at Dickson ay mayroon pa silang isang taon para sa kanilang mandatory retirement. At si Danao ay sa 2022 ang kanyang retirement kaya masyadong matagal pa siya sa serbisyo at kung siya ang pipiliin ni Presidente aabot siya ng mahigit dalawang taon sa puwesto na hindi dapat mangyari.

Ang mga media personalities sa Metro Manila at mga probinsya inaasahan na si Eleazar ang maaaring next Chief PNP.

Matatandaan na si Sinas ay mahigit na anim na buwan lang sa serbisyo, kaya naman siya ang pinili ni Presidente Duterte at maaaring pinagbigyan ito dahil siya ay isa rin sa Davao Boys.

Sana naman hindi pagbabatay ni Presidente Duterte ang pagiging Davao Boys ang next Chief PNP kundi ang kanyang kakayahan ni Elezar at naging "Big Accomplishments" lalo ng nagsimula ang Covid-19.

Si Eleazar ang naging head ng Joint Task Force Covid-19 at halos araw't gabi itong nasa kalsada upang i-check at imonitor ang lahat ng PNP personnel na nakatalaga sa mga checkpoint kung ginagawa nila ang kanilang trabaho.

Siya (Eleazar) ang tanging ranking police officer ang nakikita sa mga pangunahing kalsada na naglilibot sa Metro Manila at maging karatig lalawigan para imonitor ang sitwasyon nitong pandemic.

Siya din ang malimit naririnig sa balita noong simula ng pandemic hanggang ito'y pinalitan na ni Vera Cruz...

Matagal na dapat naging Chief PNP si Eleazar at sana siya na ang mapipili ni Presidente... At huwag sana pagbabatayan ang pagiging Davao Boys...

Karamihan sa mga PNP officers ay inaasahan na si Eleazar ang mapipili ni Presidente as next Chief PNP...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph