SECTIONS
Pampanga
Wednesday, June 23, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Eleazar dakong 2:55 p.m. opisyal na Chief PNP

DATELINE: Olivas

NOONG Biernes nang maging opisyal na bagong Philippine National Police (PNP) Chief si Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Dakong 2:55 ng hapon nang pinirmahan ni Eleazar ang "assumption" nito bilang new Chief PNP.

Acting Chief PNP ang designation nito ni Eleazar, kaya naman maaari na rin maging Four Star na siya at fully General ito.

Sa kanyang "speech," unang ipinahayag ni Elezar na tututukan nito ang "recruitment" sa PNP dahil nakita niya ang umano'y anomalya at palakasan system sa pag-apply.

Ang Dateline, naobserbahan nito ang nagiging proseso sa PNP recruitement na kung saan kung sinu-sino ang nilalapitan ng mga aplikante upang matiyak lamang na makakasama sila sa qouta.

Mayroon na dyan lumalapit sa mga ranking officers ng PNP at iyong iba naman sa mga politiko na hindi matangihan.

Ang isa din matinding naging obserbasyon ng Inyong Linkod ay matinding umano "bayaran" upang matiyak lamang na makasama sa qouta ng PNP recruitement.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, umaabot sa P20,000 hanggang P50,000 ang umano'y bayaran, kung minsan pa, higit pa raw kung maraming di maipasa ang isang aplikante.

Maging sa Neoro, ayon sa IO, mayroon din nangyayaring anomalya na hindi makapasa na mga aplikante.

Ito rin ang sinabi ni General Eleazar, sa kanyang "speech," kanyang paghihigpitan ang "Neoro" test sa mga aplikante. Ang nakikita nito ito ang dahilan kaya maraming PNP personnel nasasakot sa iba't ibang iligal at maging ang pagpatay na hindi naman matindi ang dahilan.

Sana General Elezar hindi "ningas kugon" ang inyong ipinahayag re PNP Recruitment...

Si Eleazar lamang na naging Chief PNP ang tumalakay sa sistema ng PNP Recruit. At mukha siya'y galit na galit sa nasabing sistema....

***

Congrats General Eleazar. Nakamit niyo ang pinakaminimithi ng mga PNP officers -- ang maluklok bilang Chief PNP.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph