Sapnu: Major revamp ni General Eleazar sa Central Luzon PNP

INAASAHAN ang gagawin major revamp ni General Guillermo Lorenzo Eleazar sa kanyang termino.

Sa unang nitong major revamp, pitong generals at apat na colonels ang naapektuhan.

Ang mga ito ay sina Major General Bernabe Balba ng Special Action Force chief; Brigadier General Felipe Natividad; Brigadier General Eliseo Cruz; Brigadier General Nelson Bondoc; Brigadier General Jose Hidalgo Jr.; Brigadier Jimili Macaraeg at Brigadier General Pascual Munoz Jr.

Ang mga colonels naman ay sina Gregory Bognalba, Neri Ignacio, Cesar Pasiwen at Randy Peralta.

Kaya naman inaasahan ang gagawin pagbalasa ni General Eleazar sa mga kasalukuyang nakaupong Police Regional Offices directors sa bansa.

Siyempre, kinakailangan ni Eleazar ang mga trusted na Brigadier Generals upang maging "smooth" ang kanyang pamamalakad sa Philippine National Police (PNP) organization.

Matatandaan nang maupo si dating Chief PNP General Debold Sinas halos lahat ng mga police regional directors ay kanyang pinalitan. Ito'y isang standard operating procedure sa PNP kung sino ang nakaupong Chief PNP, kanyang inuupo ang kanyang mga "Bata."

Inaasahan ngayon ang gagawin major revamp ni Chief PNP sa hanay ng mga police regional directors.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ang mga maaaring maapektuhan sa major revamp ay ang PRO3, PRO2 at PRO1.

Abangan po kung kasama nga ang PRO3 na kung saan inaabangan ng maraming police officers...

***

Binabati ng Dateline ang Angeles City sa natanggap nitong Bronze Award na ibinigay ng Civil Service Commission.

Ang award ay dahil sa programa ng City Government para Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management.

Si Miss Reina Manuel, Executive Assistant IV ang tumanggap sa award.

Congrats po...

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph