Sapnu: E-Sumbong ni General Eleazar

ISANG panibagong E-Sumbong ang inilunsad kamakailan ni Chief Philippine National Police (PNP) General Guillermo Eleazar.

Matatandaang ilan na ang naging Chief PNP mayroon ding proyekto na kung saan ang titulo nito ay Isumbong Mo at Aaksyunan Ko. Wala naman nangyari sa nasabing proyekto kungdi naging "Ningas Cogon" lamang.

At ngayon sa termino ni General Eleazar, ang E-Sumbong nito ay ibang iba sa mga naunang proyekto ng mga Chief PNP.

Kanyang (Eleazar) binago at in-improve ang sistema ng kanyang E-Sumbong.

“Dito sa ating improved complaint referral system, bawat matatanggap na reklamo o hinaing ay ituturing na urgent. Dapat laging isaisip ng mga pulis na time is of the essence tuwing makatatanggap ng tawag o text mula sa ating mga kababayan,” sang-ayon sa mensahe ni Eleazar nang inilunsad ang E-Sumbong sa Camp Crame, Quezon City.

Sang-ayon kay Eleazar, kapag may reklamong natanggap, agad aaksyunan ng PNP at para magkaroon ng agarang solusyon na isinumbong ng publiko.

Sang-ayon pa sa kanya, kung dati may mga reklamong hindi napapansin, ngayon, e, hindi na puwede iyon.

Ito iyong assurance ni Chief PNP sa ating mga kababayan na ang sumbong niyo, e, aksyon ko.”

Ang nasabing E-Sumbong ay isa sa "priority" ng kanyang programa.

Ang publiko ay maaaring ireport ang kanilang reklamo sa PNP SMS hotline (0919601752, 09178475757), o kaya social media accounts (facebook.com/OfficialPNPhotline), email (e-sumbong@pnp.gov.ph) and web portal (https://e-sumbong.pnp.gov.ph).

Sang-ayon kay Eleazar, bawat reklamo ay titignan ng mga nakatalagang PNP personnel at bawat reklamo o report na "valid" kanilang ibibigay sa police station o police offices para ma-aksyunan kaagad.

Binalaan naman ni Chief PNP ang publiko na nagbibigay ng maling report o kaya galit lamang sa isang pulis kaya nito inireport sa E-Sumbong dahil ang PNP-Anti-Cybercrime Group ang "bahala sa kanila."

Sang-ayon kay Eleazar ang layunin ng E-Sumbong ay upang patatagin ang ugnayan ng publiko sa PNP at kung makikita ng nila na kaagad nabibigyang-pansin at naaaksyunan ang kanilang mga reklamo, nasisiguro nito maibabalik ang kanilang kumpiyansa sa buong PNP.

Kaya kayong mga "scalawag," sa PNP mag-isip-isip na kayo dahil hindi nagbibiro ni General Eleazar sa kanyang pinaigting na programang E-Sumbong.

Dalawang bagay lamang masibak kayo sa puwesto o dili kaya matanggal sa serbisyo.

Abangan po natin ang E-Sumbong ni Gen. Eleazar kung mayroon masasapulan na police officer...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph