Imbestigasyon sa PNP recruitment sinimulan na ni Gen. Eleazar

NAGSIMULA na sa imbestigasyon si Philippine National POlice (PNP) Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Recruitment process.

Isang Colonel ang kasalakuyang iniimbestigahan ng PNP dahil sa umano "re money racket" sa PNP recruitment system.

Hindi naman binanggit ni Eleazar ang pangalan ng nasabing Colonel nakatalaga sa tanggapan ng Health Services.

Ito'y matapos isinangkot ni Evalyn Aleman, 35, alias "Eva Fonda" ang nasabing Colonel. Si Aleman ay inaresto ng Integrity Monitoring and Enforcement Group ng PNP noong Huwebes sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Agaran naman pinaiimbestiga ni Eleazar ang nasabing Colonel na isinasangkot ni Aleman sa mga anomalyang recruitment sa police recruit.

Napag-alaman ng PNP Anti-Cybercrime Group na ginagamit ni Aleman sa kanyang Facebook account sa mga aplikanteng police na kung saan tiyak sila masasama o makakapasa sa PNP Recruitment ngunit may kapalit na cash.

Umaabot umano sa P50,000 ang halaga ng hiningi umano upang masama sa quata ng police recruits.

Sang-ayon kay Aleman, ang P30,000 ay mapupunta sa Colonel, nakatalaga sa Health Service na kung saan tinitiyak nito na papasa sa mandatory neuro-psychiatric examination ang aplikante.

Dahil sa nadiskumbreng anomalya ni Eleazar, lalong pinahihigpitan ang PNP ang recruitment process.

Matatandaan nang pag-upo si General Eleazar bilang bagong Chief PNP kanyang ipinahayag na kanyang tututukan ang recruitment process dahil sa mga anomalyang proseso.

Ipinahayag din ni Eleazar na wala ng "pandrino system" o "backer" na kung saan isang ex Colonel o General ang makikiusap para masama sa qoata ang aplikante.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, mayroon din daw nangyayaring anomalya sa Recruitment System ng PNP sa mga tanggapan namamahala sa pagsala sa mga aplikante.

Dapat din silipin o paimbestiga ni Eleazar ang mga tanggapan ng Regional Personnel and Human Resources Division na kung saan sila ang nagproproseso ng mga aplikante, ayon sa IO.

Napag-alaman din ng IO ng matagal na mayroon ng nagaganap na ma-anomalyang sa nasabing tanggapan at sa iba pang tanggapan na sakop ng Recruitment Process.

Dapat paimbestigahan din ni Eleazar ang mga nangyaring anomalya sa Police Recruitment Process na kung saan nagkaroon umano bayaran para makapasok ang aplikante.

Ang tanong, pananagutin pa ba ni Eleazar ang mga police officer na sangkot umano anomalya sa Recruitment? Sana hindi ito maging Ningas Cogon.

Paiimbestigahan pa ba ni Chief PNP ang naganap ma-anomalya sa PNP Recruit noong panahon pa ng mga dating chiefs PNP at police regional directors? Nagtatanong lang po...

Sana iyong mas kuwalipikdong aplikante ang matatanggap sa police recruits ngayon para mawala na ang mga scalawags sa serbisyo na ikasisira ng imahen ng PNP. Ang mga scalwags na ito ay iyong nagbayad upang makapasa sa PNP recruit, ayon sa isang police officer.

Abangan po natin ang magiging resulta ng PNP Recruitment Process sa panahon ni Chief PNP General Eleazar...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph