SECTIONS
Pampanga
Thursday, August 05, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Pampanga government nag-overprice sa anti-Covid-19 supplies?

DATELINE: Olivas

UMAABOT sa P14.14 milyon halaga ng medicine at medical supplies para tugunan ang Covid-19 pandemic ang binili ng Pampanga provincial government.

Batay sa 2020 annual report ng Commission of Audit (COA), ang binili ng Pampanga government ay mataas ng P5.45 milyon price index ng Department of Health.

Sang-ayon sa COA body ang mga provincial officials ay hindi umano nakapag "negotiate for better prices" sa kabila ng "DOH memorandum reminding government offices to heed the price freeze on essential medine and medical supplies.

Batay sa COA purchase order April 28, 2020, ang Pampanga provincial government ay bumili ng 1,000 gallons of 70 percent isopropyl alcohol sa halagang P750 per gallon.

Sa ilalim ng Department of Health (DOH) price index dated April 14, 2020, ang halaga ng isang gallon ng 70-percent isopropyl ay umaabot lamang sa P520.

Sa nasabing halaga ng isopropyl binili ng provincial governemnt ay malaki ang diperensya ng presyo. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Ang halaga naman binili ng provincial government na 200 units of thermal scanners ay nasa P4,800 each at ang 2,400 protective goggles nasa P217.00 each. Samantalang sinasabi ng COA ang thermal scanner dapat nagkakahalaga lamang ng P4,500 each at ang goggles ay nasa P180 each.

Malaki din ang diperensya ng presyo ng nasabing halaga ng thermal scanners at protective goggles, di po ba?

Ang isa pang overpriced naging transaksyon ng provincial governemnt ay ang pagbili ng 1,000 tablets ng 250 miligrams chloroquine phospate ng halagang P11.975 million. Sa COA report, binili ng provincial government ang nasabing gamot sa P119.75 per tablet samantalang DOH pegged its price sa nasa P59 to P69 per tablet.

Sang-ayon sa audit body, ang provincial government’s bids and awards committee kinakailangan magsumite ng “satisfactory explanation” on the difference in the price of the procured medicine compared to the cap imposed by the DOH.

Ang nasabing COA report ay lumabas noong nakaraang linggo sa isang Daily Newspaper na kung saan ang title nito ay "COA flags Pampanga for overpriced anti-Covid-19 supplies."

Sa panahon ng pandemic, mayroon pa rin umano'y ginagawang overpricing ang mga opisyales ng Pamahalaan?

Bakit kaya nangyayari ang ganito sa Pampanga provincial government?

Hindi yata na-monitor ni Governor Delta ang nasabing "overpriced" sa medicines at medical supplies para Covid-19? Nagtatanong lang po...

***

Binabati ng Dateline si Lieutenant Colonel Romell Velasco, chief ng Regional Community Affairs Development Division (RCADD), na na-promote nitong nakaraang linggo ng full Colonel.

Si Velasco ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Kaagapay Class 1996.

Sa lahat ng mga Colonel sa Camp Olivas si Velasco ang malapit Media personalities...

Congrats, Colonel Romell Velasco!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph