SECTIONS
Pampanga
Monday, June 21, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Dalawang pulis itinumba nitong buwan

DATELINE: Olivas

DALAWANG pulis na ang pinatay ng armadong lalake nitong buwan na kung saan hanggang kasalukuyang wala pang naaarestong mga suspek.

Nitong Hunyo 1, pinagbabaril ng armadong grupo si retired Chief Inspector Fernando Reyes, 58, residente ng Barangay Concepcion, Lubao, Pampanga.

Habang binabaybay ni Reyes ang kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sakay ng kanyang Yamaha Mio nang pagbabarilin ng dalawang motorcycle riding armed men.

Namatay kaagad si Reyes dahil sa malubhang tama ng baril sa kanyang katawan.

At nitong Hunyo 8, si Staff Segeant Michael Maun, miyembro ng Philippine National Police (PNP) aviation group nakabase sa Clark Pampanga ay pinagbabaril din nang car riding armed men sa Barangay Cristo Reye, Capas, Tarlac.

Sakay ng kanyang Toyota car si Maun patungong ng Clark nang may biglang pagbabarilin ng mga suspek sakay din ng isang Toyota car.

Idineklarang patay na si Maun ng doktor ng Ospital ng Capas.

Hanggang sa kasaluluyan, wala pa rin naaarestong mga suspek ang Pampanga police sa pagkakapatay kay retired Chief Inspector. Halos magdadalawang linggo na wala pa rin malinaw na motibo kung bakit pinagbabaril ang biktima.

Maging ang Tarlac Police ay wala pa rin naaarestong mga suspek sa pagpatay kay Maun at hanggang ngayon inaalam pa ng PNP ang motibo ng mga salarin.

Sana atasan ni Brigadier General Valeriano De Leon, Police Regional Office (PRO) Central Luzon director, ang Pampanga at Tarlac police na bigyan ng agarang solusyon ang dalawang pinatay na pulis.

Nakakabahala na ang ginagawang pagpatay sa mga PNP personnel sa Central Luzon, ayon sa mga police officer.

Sana makagawa ng agarang imbestigasyon at solusyon ang PRO-Central Luzon.

***

MacArthur Highway patungong Camp Olivas sirang sira na

Hanggang kasalukuyan parang wala pa rin ginagawang aksyon ang Department of Pubic Works and Highways (DPWH) Central Luzon ukol sa sirang kalsada simula sa barangay Tagulod hanggang sa gate ng Camp Olivas.

Halos sa pinaka-shoulder ng nasabing kalsada dumadaan ang mga behikulo upang makaiwas sa sirang kalsada.

Umaabot na sa mahigit dalawang taon na ang sirang kalsada at hanggang ngayon wala pa rin ginagawang aksyon ang DPWH.

Hanggang kailan kaya magtitiis ang mga motorista patungong Camp Olivas sa sirang kalsada? Nagtatanong lang po...

DPWH, bigyan ninyo naman ng aksyon ang nasabing sirang kalsada lalo na mga PNP personnel ang dumadaan sa doon...

Abangan po natin ang magiging aksyon ng DPWH...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph