Gen. Eleazar tinanggal sa serbisyo ang pulis sangkot sa recruitment extortion

NADISMIS sa serbisyo si Staff Sergeant Joel Bunagan, drayber ng Philippine National Police (PNP) Health Service sa National Headquarters ng Camp Crame, Quezon, City.

Ang dismissal order ay nilagdaan noong Lunes, Hunyo 14, ni Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar.

Si Bunagan ay dalawang beses na itong naaresto ng PNP dahil sa kanyang ma-anomalyang PNP recruitment process.

Sang-ayon sa pahayag ni Eleazar, si Bunagan ay napatunayan "guilty of grave misconduct for extorting money from police applicants." Eleazar.

Noong Mayo 31, naaresto ng mga operatiba ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (Imeg) si Bunagan sa isang entrapment operation sa Caloocan City.

At noong Abril nakaraang taon, si Bunagan ay naaresto din ng Imeg operatives sa Quezon City dahil din sa naturang maling gawain sa recruitment.

Si Bunagan ay humihingi umano'y halagang P100,000 sa bawat aplikanteng pulis kapalit na tiyak itong makakapasa sa PNP recruitment process.

“Walang puwang sa serbisyo ang ganitong pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidades," ayon pa kay Eleazar.

Hindi lang sa pagsibak sa serbisyo ang kinaharap ni Bunagan, sasampahan pa ito ng criminal cases, ayon pa kay Eleazar.

Sang-ayon sa mga police officer sa Dateline, dapat magsagawa pa ng malalim na imbestigasyon si Chief PNP sa mga kasabwat ni Bunugan sa PNP Recruitment Process.

Isang drayber lang itong si Bunagan, kaya mayroon itong kasabwat na ilang matataas na police officer sa recruitment. Hindi maglalakas loob itong si Bunagan kung wala itong kasabwat sa mga dinadaanan ng mga aplikante na iba't ibang tanggapan lalo na ang PNP Personnel Human Resources Doctrine Development Division.

Sana magsagawa pa ng malalim na imbestigasyon si Chief PNP sa PNP Recruitment Process lalo na sa mga Police Regional Offices na kung saan mayroon matagal din nagaganap ang iligal gawain.

Kung magpapasagawa din ng imbestigasyon re Extortion sa PNP Recruitment Process si Eleazar sa mga nakaraang recruitment process sa iba't ibang Police Regional Offices sa bansa.

Sang-ayon sa police officer, tiyak na maraming police officers ang tatamaan ng nasabing iligal na gawain... at dapat lamang itong habulin upang hindi na pamarisan ng ibang police officers.

Abangan po natin kung gagawin ni Chief PNP General Eleazar paimbestigahan iyong mga nakaraan PNP Recruitment Process sa mga PROs dahil matagal na umano'y mayroon extortion nagaganap.

***

Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar bibisita sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Matagal nang inaabangan ng mga Camp Olivas Reporters ang pagbisita ni Eleazar sa PRO-Central Luzon.

Matatandaan si Eleazar ay halos isang taon itong natalaga bilang Regional Commander ng Criminal Investigation and Detection Unit-Central Luzon sa Camp Olivas.

Dahil malapit ang mga Camp Olivas reporters kay Chief PNP, tuwing Friday after office work, kasama namin siya sa kanyang tanggapan for a Cup of Coffee at konting kuwentuhan.

Nang maitalaga si Eleazar bilang chief ng PRO-Central Luzon Regional Logistic Division, na kung saan malimit nakakausap ng inyong lingkod, si Eleazar ang hindi nakakalimot sa mga friends nitong media personalities sa Camp Olivas.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph