SECTIONS
Pampanga
Monday, July 26, 2021
PAMPANGA

Sapnu: General Eleazar susunod kaya sa yapak ni Senator Dela Rosa?

Dateline: Olivas

NOONG Lunes bumisita si Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar sa Police Regional Office-3 (PRO3) headquarters.

Ito ang unang pagbisita ni Eleazar sa PRO3 mula nang siya ay naupong chief PNP.

Madaling araw pa lamang, inaabangan na si Chief PNP ng mga senior police officers, non-commissioned police officers, mga provincial at city police directors ng rehiyon ang kanyang pagdating sa Camp Olivas.

Halos eksaktong 7:30 ng umaga dumating na sa Camp Olivas si Eleazar kasama ang ilan nitong staff officers.

Pagdating ni Chief PNP, sinalubong siya ng mga reporters at unang napasin ni Eleazar ang mga Camp Olivas reporters na matagal na nitong nakasama noong 2007 noong siya ang regional commander ng Criminal Investigation and Detection Group 3.

Dumating din si Governor Dennis "Delta" Pineda na kung saan siya at ni Chief PNP pinasinayahan ang isolation facility para sa PNP personnel. Galing sa Pampanga Government ang pondo ng pinatayong facility.

Bago nagkaroon ng press conference, iprinisinta ni BGen. Valeriano De Leon, PRO3 director kay Chief PNP ang mga baril nakumpiska ng iba't ibang provincial at city police offices sa loob ng walong buwan ng kanilang accomplishment sa kampanya ng loose firearms at anti-criminality.

Pagkatapos ng maikling presscon, binisita ni Eleazar ang Provincial Capitol kasama si Delta at doon siya at mga kasama nito na nag-lunch kasama si Vice-Governor Lilia "Nanay" Pineda.

Nagtungo din si Eleazar sa Tarlac pagkatapos nito sa Pampanga at binisita din nito si Governor Susan Yap.

Noong Martes (Hunyo 22), sang-ayon sa source ng Dateline, bumisita din si Chief PNP sa lima pang lalawigan at dalawang lungsod.

Sa pagbisita kaya ni Chief PNP sa mga lalawigan sa Central Luzon nangangahulugan may plano na siya na susunod sa yapak ni dating Chief PNP Bato Dela Rosa na kung saan senador na ngayon? Nagtatanong lang po....

Matatandaan marami ng binisita mga police regional offices sa bansa si Eleazar at pagkatapos binisita din nito ang mga gubernador sa iba't ibang lalawigan.

Ilang beses na din tinatanong si Chief PNP ng ilan reporter sa Manila kung may plano itong tumakbo bilang senador nguni't hindi malinaw ang kanyang sagot.

Kung tatakbo nga si Eleazar sa senado malaki ang kanyang pagkapanalo, ayon sa mga police officers.

Ang tanong dito, tatakbo kaya si Eleazar nitong darating na eleksyon? Abangan po natin kung ano ang kanyang plano...

***

Kamakailan, nagkortesiya ang Dateline at si Bernard Galang ng People's Journal kay bagong Regional Commander ng Criminal Investigation and Detection Unit3 na si Col. Norberto Delmas.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph