Sapnu: P1.5 bilyon fake cigarettes nakumpiska

TALAGA yatang talamak na ang pagkalat ng mga fake cigarettes sa Central Luzon.

Ito makaraang madikubre ng magkasanib na operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit 3 (CIDU3), Pampanga Mobile Force Company, at Bureau of Internal Revenue (BIR) (Manila) nang salakayin ang isang warehouse sa Barangay Paralayunan, Mabalacat City, Pampanga.

Sang-ayon kay Col. Norberto Delmas, regional commander ng CIDU3, ipinatupad nila ang mission order na inisyu ng BIR sa warehouse nang salakayin ito.

Narekober ang mga smuggled at counterfeit cigarettes including raw materials na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo, ayon kay Delmas.

Limang suspek ang nahuli na sina Danny Martizano, 48, ng Surigao Del Sur; Richie Alminion, 34, ng Malbug, Cawayan, Masbate; Sammy Molina, 44, residente ng San Macario Norte, Natividad, Pangasinan; Ryan Tilanduca, 24, ng Malaybalay, Bukidnon at Efren Tacomto, 46, resident ng Marcos Village, Mabalacat City, Pampanga.

Nakumpiska ng mga operatiba ang isang Isuzu Wing Van na may lulan na mga sako tuyong tabako; isang Hyundai; 22 kahon at 26 na Yunyan cigarettes; 14 kahon ng Shuangxi cigarettes; 4 kahon na Chunghua cigarettes; 13 kahon, 19 reams at 9 packs - Gold Line cigarettes; 72 reams na Nanjing cigarettes; 8 reams na Jinsiye cigarettes; 19 reams at 3 pakete ng Black Pearl cigarettes; 4 kahon na Marlboro (red) at 35 reams - Titanium cigarettes.

Sang-ayon kay Col. Delmas, umaabot sa P300 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled at fake cigarettes kabilang na ang raw materials.

Sa isang follow-up operation na isinagawa ng CIDU3 sa Global Aseana Park 1, San Simon, Pampanga, nakarekober ang mga operatiba ng 147,000 pieces of invalid BIR stamps (green); 1,470,000 piraso ng invalid BIR stamps (light blue); 12 cigarette packer machine; 2 cigar rete maker machine; 10 boxes Back Film and Label; 100 rolls cigarette paper; 35 rolls tipping paper; 46 rolls cigarette foil; 48,000) pirasong cigarette filter; 4 kahon na cigarette paper.; 36 kahon na soft label (jackpot) and mga iba pang brands ng sigarilyo at raw materials na nagkakahalagang P1 bilyon.

Ito ang malaking accomplishments ni CIDU3 Col. Delmas sa loob lamang na dalawang buwan.

Congrats po Col. Delmas sa matagumpay ninyong operasyon. Mabuhay po kayo!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph