Sapnu: Babala sa mga pulis na may 'mistresses' - Eleazar

HINDI na bago na ang isang police officer ay iisa lamang ang kanyang asawa.

Karamihan sa mga police officer ay hindi "loyal" sa kanilang asawa dahil halos sila ay mayroon isa o dalawang kinakasama, ayon sa mga police officers nakausap ng Dateline.

Sa isang interview sa isang radio station, ipinahayag ni Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar na kanyang paiimbestigahan ang mga police officer na may mistresses.

Hinikayat ni Eleazar ang mga police officers na maging "loyal" sa kanilang mga asawa kung ayaw nilang makasuhan.

Sang-ayon kay Eleazar ang magkaroon ng "extramarital affairs" ay isang paglabag sa kanilang "code of ethic stardards."

Kaya ang police officers mayroon karelasyon ay kanyang parurusahan, pahayag pa ni Chief PNP.

Kapag ang asawa ng isang police officer ay nagreklamo sa PNP, agarang sisibakin sa puwesto ito kung ang napatunayan na may mistress ito, ayon pa kay Eleazar.

Ang pagkakaroon ng "mistresses" ang malaking kadahilanan kaya hindi sumasapat ang sahod ng mga police officer kaya nakakagawa pa sila iligal akitidades.

Napag-alaman mula sa PNP Internal Affairs Service noong 2016 dalawa o tatlong police offcers ang nasibak sa kanialng puwesto at nadismis sa serbisyon dahil sa mga reklamo ng kanilang mga asawa na mayroon silang ibang kinakasama.

Sang-ayon sa IAS, karamihan sa mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga asawa ng mga police officer ay "financial support."

Hindi naman lahat ng mga police officer ay babaero, dahil "majority" sa kanila ay loyal sa kanilang mga asawa, ayon pa kay Eleazar.

Katunayan ako ay very loyal sa aking asawa n si Rosalie, ipinagmalaking pahayag ni Chief PNP.

Kung paiimbestigahan ni Eleazar ang lahat ng mga police officer baka marami dito ang matanggal sa serbisyo kung mapapatunayan.

Mangyayari kaya ang gagawin imbestigasyon ni Chief PNP sa mga police officer na mayroon "mistresses." Nagtatanong lang po...

Isang barangay captain inirereklamo

Nanawagan ang Kababaihang Bisig Ng Kaunlaran ng Sumalo sa kinauukulan na sa isang di-umano'y "abusive" na barangay captain sa kanilang barangay.

Ang grupo ng kababaihan ay umaapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na "save" ang kanilang barangay sa di-umano'y "abusive" nilang opisyal.

Sang-ayon sa grupo, ang nasabing barangay captain ay nasuspendido ng limang buwan makaraang magkaroon ng affair sa isang OFW na kung saan napalabas pa umano sa isang TV station.

Sa kanyang pagkakasuspende, malamit ito makita sa barangay hall. Ito makaraang ma-demolis ang kanyang bahay dahil sa court order, ayon pa sa grupo.

Ang nangyari pa dito, ayon pa sa grupo, ang opisyal ay ginawang "shelter" ang Senior Citizen hall kasama ang kanyang pamilya.

Sa kanyang pagkakasuspende, ang pumalit na OIC ay hindi nabigyan ng "full-authority" sa operasyon ng barangay affairs, ayon pa sa grupo.

Sa statement ng grupo, ang nasabing barangay captain ay anti-development.

Ayon pa sa grupo, salip maging progresibo ang kanilang lugar at magkaroon ng maraming trabaho, hinaharang umano ni kapitan.

Bakit kay anti-development si Kap? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph