Sapnu: Inaasahan ang pagpalit ng PRO3 director?

MATAGAL na inaasahan ang gagawin major resuffle ni Chief PNP General Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga Police Regional Office director.

Ito ang napag-alaman ng intelligence officer (IO) ng Dateline na kung saan maaari nitong katapusan ng Hulyo ay mayroon mga Police Regional Director ang tatamaan ng major resuffle.

Sang-ayon sa IO, ang PRO3 director ay mabibilang umano sa masasama sa resuffle na gagawin ni Eleazar.

Ang pagka-alam ng IO, nitong katapusan ng buwan ay inaasahan ng aakyat si Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 director at maaaring matalaga na sa National Police Headquarters sa Camp Crame.

Kung masasama sa resuffle si De Leon, iba naman ang kanyang magiging assignment at siya ay matatalaga sa posisyon na pang Two Star, ayon sa IO.

Halos mag-iisang taon na si De Leon bilang PRO3 director kaya naman inaasahan na siya ay masasama sa resuffle, ayon pa sa IO.

Subali't hanggang kasalukuyan, wala pang nababalitaan ang Dateline kung sino ang maaaring pumalit kay De Leon.

Hindi kagaya noon, kapag papalitan na ang RD, mayroon na tatlo o dalawang Brig. Gen. ang matunog ang pangalan.

Bago naupo si De Leon sa PRO3, si Brig. Gen. Nievez ang matunog na papalit noon kay dating RD na si Brig. Gen. Sermonia.

Bakit kaya hanggang ngayon wala pang matunog na papalit kay De Leon? Nagtatanong lang po...

***

Traffic light sa harap ng Vista Mall dahilan ng trapik

Napapansin ng mga motorista na dumadaan sa harapan ng Vista Mall sa Barangay San Agustin na nagiging dahilan ng grabeng trapik ang pagkakalagay ng traffic light ng Department of Public Works and Highways (DPWH3).

Tuwing 8:00 am hanggang 9:00 am ay naka yellow light ang traffic light, subalit pagkatapos ng nasabing oras, gagana ang nasabing Traffic Light at doon nagkakaroon ng mahabang trapik.

Ang haba ng trapik ay simula sa Barangay San Isidro hanggang sa St. Jude Village.

Maging ang mga motorista papunta sa Angeles City ay naapektuhan din ng na trapik dahil lamang sa traffic light na nilagay sa harapan ng Vista Mall.

Sang-ayon sa mga nakausap ng Dateline, binibigyan lang ng prayoridad ang Vista Mall upang ang kanyang mga kliyente o kostumer ay makadaan o makapasok kaagad sa mall na “no hassle.”

Mas maganda siguro kung tanggalin na lang ang traffic light sa harapan ng Vista Mall?

Hindi ba matanggal tanggal ng city government ito dahil DPWH ang nagtayo nito? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph