SECTIONS
Pampanga
Sunday, September 26, 2021
PAMPANGA

Sapnu: Basag Kotse gang umatake na

Dateline: Olivas

MATATANDAAN na inyong lingkod ang palaging nagsusulat sa mga insidente ng Basag Kotse sa Central Luzon.

Bago nagsimula ang pandemic, maraming insidente ng Basag Kotse ang naireport sa Philippine National Police (PNP).

Karamihan sa mga nagiging biktima ng tinaguriang Basag Kotse gang ay iyong mga negosyante at maging ang mga pulis ay kanilang tinatarget.

Sa mga nandaan taon, inuulat noon sa PNP na mayroon siyam behikulo ang nabiktima ng Basag Kotse sa loob lamang ng kalahating araw. Ito'y nangyari sa isang mall na kung saan marami naman security guards ang nagbabantay dito.

Sa gabi naman, sa mga madilim na lugar na parke nag-ooperate ang mga Basag Kotse at karamihan dito nangyari noon sa may kahabaan ng Lazatin boulevard, City of San Fernando.

At take note, nitong kasaluyang Hulyo 7, naging biktima ng Basag Kotse gang si Aaron Saludo, 25, isang designer ng modular cabinet at residente ng Tikay, City of Malolos.

Mayroon gagawin na trabaho si Saludo sa MCGI-UNTV health facility sa Barangay San Pablo, City of Malolos at kanyang ipinarada sa harapan ang kanyang Suzuki Ertiga (NBA-3501) ng dakong 3:30 p.m. ng July 7.

Pagbalik nito sa kanyang behikulo laking gulat niya ang kanan binata ng pasenger seat ay basag basag na.

Natangay ng mga Basag Kotse ang kanyang Herschel bag na may Xiaomi Redmi Note 9, Php 83,000 koleksyon at ang cash nitong P167,500.

Iyong araw na iyon ay ipina-blooter ni Saludo ang insidente sa Barangay Officials at nitong Lunes lamang nito inireport sa City of Malolos Police.

Mga kababayan mag-ingat na tayo at i-secure ng mabuti ang iyong mga behikulo para hindi kayo maging biktima ng Basag Kotse Gang.

Huwag ninyo, iparada ang iyong mga behikulo sa madilim na lugar at kung maaari huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng behikulo.

At sana hindi umabot ang operasyon ng mga Basag Kotse gang sa Pampanga na malimit nagiging target ng mga suspek noon pa man.....

***

Noong nakaraang Biernes (July 9) bumisita sa Police Regional Office-3 (PRO3) si Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, the PNP chief Director for Operations,

Isang Command Conference ang isinagawa noon na kung saan dinaluhan ng mga Provincial at City police director.

First visit ito ni Dickson sa PRO3 na kung saan naging Police Regional Director for Operations na halos mahigit isang taon.

Si Dickson ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class '87 at mistah ni Chief PNP Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Napapabalita sa Camp Crame na si Dickson ay magiging Next Chief PNP sa pagretiro ni Eleazar.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph