Sapnu: E-bike ginawang pampasada?

MATAGAL na rin bumibiyahe ang mga motorized tricycle sa kahabaan ng MacArthur highway at maging sa Jose Abad Santos Avenue (Jasa).

Hanggang sa kasalukuyang di pa rin masuwaysuway ang mga motorized tricycle dahil mukhang walang pakialam ang kinauukulan.

Ang mahirap pa nito, iyong iba pa nito ay walang tail light at maging headlight. Kaya sa gabi kung hindi mo sila mapapansin kaagad baka mabangga mo ang mga ito.

Ang masaklap nito, sila'y (motorized tricycle) ay malimit pa makipagkarera sa mga kotse at maging mga dump truck na kung saan hindi nila inalintana kung sila'y madisgrasya.

Hindi lang mga motorized tricycle ang nagiging problema ng mga motorist sa mga national highway, ang mga tinaguriang E-trike ay naging laman din ng kalsada.

At take note, ang mga E-trike ay ginawang pampasada pa ang kanilang behikulo at nakikipagkarera pa ito sa mga kotse.

Sang-ayon sa isang drayber ng kotse, muntik pa niyang mabangga ang E-trike dahil bigla ito lumabas ng Mc Arthur highway na para bang walang pakialam ito sa mga dumarating na behikulo.

Nang kanyang sitahin sa kanyang ginawang paglabas sa highway, aba siya (E-trike driver) ang galit ay minura pa umano ang drayber ng kotse.

Ang masaklap pa nito ang pagkaalam ng inyong lingkod, ang mga E-trike driver ay walang mga driver's license, buti pa nga ang mga motorized tricycle driver ay mayroon ito.

Sa batas, ang mga three wheelers na behikulo ay hindi maaaring bumiyahe sa mga national highway.

Bakit kaya pinapayagan ng kinauukulan na bumiyahe ang mga ito sa mga national highway? Nagtatanong lang po...

Sang-ayon sa Highway Patrol Unit-3 (HPU3) hindi raw nila maaring hulihin ang mga motorized tricycle at E-Trike hangga't walang ginagawang resolution ang isang provincial at local government unit.

Sabi na ng mga pampansaherong drayber, baka magiging na lang tayo na ang mga motorized tricycle at E-trike ang magiging hari ng kalsada.

Kailangan pa ba natin paabutin na mayroon mangyayaring aksidente sa mga E-trike at motorized tricycle? Nagtatanong lang po...

Kinakailangan na may kakumpitensya ang SFELAPCO

Dahil sa biglaan pagtaas ng electric bill ng SFELAPCO nitong nakaraang buwan.

Maraming Fernandinos ang dumulog sa Provincial Capitol upang ireklamo ang SFELAPCO na kung saan halos doble ang itinaas ng kanilang electric bill.

Ang reklamo pa nila, ni wala naman daw abiso ang SFELAPCO kung magtataas sila ng Rate, kaya ang laking gulat ng mga consumers nang makita nila ang electric bill.

Iyong dating electric bill nila na P2,800 ay naging P5,600. Ang sabi pa nila mukhang holdup ang ginawa ng SFELAPCO.

Isang grupo ng consumer ang nag-suggest na napapanahon magkaroon ng kakumpitensya ang SFELAPCO. Ito'y anila para makapili sila sa mababang rate.

Ano po palagay ninyo mga Fernandinos, kinakailangan na ba isa pang electric company sa City of San Fernando?

Maraming nagpahayag na mga Fernandinos, pabor silang magkaroon ng isa pang electric company.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph