Sapnu: Isang empleyado umano ng CDC hunuli ng otoridad

INARESTO kamakailan ng magkasanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Central Luzon at ng Clark Development Corporation (CDC) Service Security Group ang isang nagpakilalang empleyado ng CDC.

Sa entrapment operation isinagawa ng CIDG, nahuli si Carlo Trinidad Pe, isa umano empleyado ng CDC.

Inaresto si Pe dahil sa kasong robbery extortion, ayon kay Col. Norberto Delmas, regional officer ng CIDG-Central Luzon.

Ito'y matapos inireklamo ni Gennievive Austria ng JJJ-A Construction si Pe di-umano humihingi ng "money" kapalit ng isang pabor na konsiderasyon sa bidding ng CDC infrastructure projects.

Dahil sa patuloy umano na humingi ng money si Pe kay Austria nakipag-ugnayan ito sa CDC kung siya (Pe) ay kanilang empleyado.

Dito napag-alaman ni Austria na walang kaugnayan si Pe sa CDC, kaya nakipag-ugnayan ang CDC sa CIDG-Central Luzon upang mahuli ito.

Sa entrapment operation, narekober kay Pe ang P1,000 at 20 pirasong P1,000 boodle money; isang black wallet and iba't-ibang identification cards.

Si Pe ay nahaharap sa kasong robbery extortion sa Angeles Prosecutor's Office na isinampa ng otoridad.

Matagal na sigurong "modus operandi" ni Pe ang nasabing paghingi ng "money" sa mga kontratistang sumasali sa mga "Bidding Project" ng CDC nguni't ngayon pa lang nadiskubre.

Baka hindi lang si Austria ang naging biktima ni Pe at mayroon pang ibang nakipagnegosyon sa kanya... Hindi malayong mangyari iyon, ayon sa police officers.

Ang lakas naman ng loob nitong Pe makipagnegosyo sa mga kontratrista, ayon pa sa police officer....

Sang-ayon sa police officer, hindi maglalakas loob magkipag-negosyo itong si umano'y CDC empleyado kung wala itong "Contract" sa loob.

Mayroon nga bang Contact sa loob ng CDC itong si Pe at sino sino ang mga umano??? Nagtatanong lang po....

Dapat busisiin kaagad ng pamunuan ng CDC ang ganitong sistema dahil ito'y nakakasira sa ahensya.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph