Sapnu: Raid or robbery sa isang drug pusher sa Porac?

NOONG nakaraang lingo, isang suspected drug pusher ang ni-raid ang kanyag bahay sa Porac, Pampanga.

Nakasibilyan ang mga pumasok sa kanyang bahay at nagpakilalang mga pulis umano.

Pawang armado ang mga ito at wala pa raw umano ipinakitang search warrant o warrant of arrest sa ang mga inabutan nila sa bahay.

Ang target nilang suspek ay naaresto naman ng mga raiders, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Sang-ayon sa source ng IO, dakong 4pm ng Huwebes nang pasukin nila ang bahay ng kanilang target.

Lahat umano ng mga kagamitan ng mga pamilya doon ay nilimas umano ng mga armado. Kagaya umano ng mga alahas, gcash, cellpon at cash ng pamilya.

Ang nangyari pa dito ayon sa source ng IO, nag-stay pa ang mga raiders hanggang 3:00 ng madaling araw ng Biernes.

Nagpaluto pa umano ng pagkain ang mga armado para sa kanilang dinner, ayon sa IO.

Hindi pa umano kuntento ang mga ito, maging ang laman ng kanilang refrigerator ay nilimas ito.

Sa pag-alis nila sa madaling araw, kinuha na nila ang drug pusher na nakatira doon at hanggang ngayon di pa rin umano natatagpuan kung saan ito dinala, ayon pa sa source ng IO.

Ang nasabing insidente ay ipinaalam ko kay Pampanga Police Provincial Director Col. Arnold Ibay dahil ito'y nasa kanyang area of responsibility.

Ang sabi ni Colonel sa text, kanyang paiimbestiga ang nasabing insidente subalit hanggang ngayon wala pa yata resulta ang ginagawang imbestigasyon.

Hindi rin malinaw kung ang mga raiding team ay upang arestuhin ang target nilang drug pusher o may iba silang pakay? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph