Sapnu: Limang police officers sinibak ni Gen. Eleazar

AGARANG inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagsibak sa serbisyo ang limang police officers nakatalaga sa Nueva Ecija makarang masangkot ang mga ito sa kidnap-for-ransom.

Ang umano'y sangkot na mga police officers ay kinilalang sina SSg. June Malilin ng Palayan City police, Msg. Rowen Martin ng Cabanatuan City police, Ssg. Drextemir Esmundo ng Cabiao police, Cpl. Julius Alcantara ng Nueva Ecija police Drug Enforcement Unit at Sgts. Bendict Reyes, ayon kay Eleazar.

Ang nabanggit na mga police officers at dalawa pa nilang kasama sibilyan na sina Frankling Macapagal at Dario Robarios ay dinukot itong si Nadia Casar, 34, isang on-line seller.

Si Casar at isang Grab driver na kanyang ni-renta ay dinukot sa Barangay Tagpos, Sta. Rosa, Laguna noong Hulyo 20.

Sang-ayon sa police report, tinangay ng mga suspek ang cellphone at P4,500 cash ng drayber bago ito pinakawalan.

Noong Agosto 1, mga operatiba ng Palayan City police kasama ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) at Regional Intelligence ng Police Regional Office-3 ay nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkakadukot kay Casar.

Habang iniimbestigahan itong si Malilin kanyang ipinayahag sa mga probers na ang sunog na bangkay ni Casar ay kanilang ibinaon sa Sitio Pinagpala, Barangay Imelda Valley, Palayan City.

Ang sunog na bangkay ng biktima ay kanilang nilagay sa sako bago ito ibinaon sa nasabing lugar, ayon sa police report.

Dahil sa pagkakasangkot ng limang police officers sa kidnapping at murder, inatasan ni Gen. Eleazar ang PNP Internal Affairs Service na magsagawa ng summary dismissal.

Ito'y isang babala sa mga police officers ni Gen. Eleazar na huwag na huwag masangkot sa iligal aktibides dahil hindi ito mag-aatubali na sibakin sa serbisyon ang sinomang masangkot.

***

Binabati ng Dateline si Lt. Col. John Clark, chief of police ng City of San Fernando bilang Most Outstanding City Police Chief.

Noong Hulyo 23, isang recognition ang natanggap ng City of San Fernando police sa pamumuno ni Clark bilang Outstanding Performance.

At noong Hulyo 30, isang plaque of merit as the “Outstanding Police Community Affairs Development (PCAD) Senior Police Commissioned Officer” for 2021 during the culmination of the 26th Police Community Relations Celebration at the Police Regional Office (PRO3).

Sa five consecutive months now, ang CSF police station ay palaging ranked number 1 regionwide Unit Performance Evaluation Rating (Uper).

Hindi na mabilang mga Accomplishments ni Lt. Col. Clark simula nang maupo ito bilang hepe ng lungsod.

Sa inyo sir, mabuhay kayo.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph